Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Samuel 11:1 - Compare All Versions

2 Samuel 11:1 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Nang sumapit ang tagsibol, panahon na karaniwang nakikipagdigma ang mga hari, pinalabas ni David ang buong hukbo ng Israel. Sa pangunguna ni Joab at ng iba pang mga pinuno, pinuksa nila ang mga Ammonita at kinubkob ang Rabba. Subalit si David ay nagpaiwan sa Jerusalem.

2 Samuel 11:1 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Pagsapit ng tagsibol ng taóng iyon, ang panahong karaniwang nakikipagdigma ang mga hari, inutusan ni David si Joab kasama ang mga opisyal niya, at ang buong hukbo ng Israel na salakayin ang mga Amonita. Tinalo nila ang mga ito at sinakop nila ang Rabba. Samantala, si David ay nanatili sa Jerusalem.

2 Samuel 11:1 TLAB (Ang Biblia)

At nangyari sa pagpihit ng taon sa panahon ng paglabas ng mga hari sa pakikipagbaka, na sinugo ni David si Joab, at ang kaniyang mga lingkod na kasama niya, at ang buong Israel; at kanilang nilipol ang mga anak ni Ammon at kinubkob sa Rabba. Nguni't si David ay naghintay sa Jerusalem.

2 Samuel 11:1 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Nang sumapit ang tagsibol, panahon na karaniwang nakikipagdigma ang mga hari, pinalabas ni David ang buong hukbo ng Israel. Sa pangunguna ni Joab at ng iba pang mga pinuno, pinuksa nila ang mga Ammonita at kinubkob ang Rabba. Subalit si David ay nagpaiwan sa Jerusalem.

2 Samuel 11:1 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))