2 Mga Hari 15:19
2 Mga Hari 15:19 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Naparoon laban sa lupain si Phul na hari sa Asiria; at binigyan ni Manahem si Phul ng isang libong talentong pilak, upang ang kamay niya'y sumakaniya, upang pagtibayin ang kaharian sa kaniyang kamay.
2 Mga Hari 15:19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa panahon ni Menahem, ang Israel ay sinalakay ni Haring Pul ng Asiria. Nagbigay sa kanya si Menahem ng 35,000 kilong pilak upang makuha ang suporta nito sa pagpapalakas ng kanyang paghahari sa Israel.
2 Mga Hari 15:19 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang pumunta si Haring Tiglat Pileser ng Asiria sa Israel para lusubin ito, binigyan siya ni Menahem ng 35 toneladang pilak para tulungan siya nito na mapatibay pa ng husto ang paghahari niya.