2 Mga Hari 12:18
2 Mga Hari 12:18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya kinuha ni Haring Joas ang mga kaloob na nalikom ng mga ninuno niyang sina Jehoshafat, Jehoram at Ahazias na naging mga hari ng Juda, pati na rin ang mga kaloob na kanyang nalikom. Kinuha rin niya ang mga ginto at pilak sa kabang-yaman ng Templo at ng palasyo, at ipinadala kay Haring Hazael. Dahil dito, hindi na sinalakay ni Hazael ang Jerusalem.
2 Mga Hari 12:18 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Tinipon ni Haring Joas ng Juda ang mga inihandog niya pati ang lahat ng bagay na inihandog para sa PANGINOON ng mga ninuno niya na sina Jehoshafat, Jehoram at Ahazias na mga naging hari ng Juda. Ipinadala ni Joas ang lahat ng ito kay Hazael pati na ang lahat ng ginto na naroon sa bodega ng Templo ng PANGINOON at ang mga nasa palasyo. Kaya hindi na lumusob si Hazael sa Jerusalem.
2 Mga Hari 12:18 Ang Biblia (TLAB)
At kinuha ni Joas sa hari sa Juda ang lahat na bagay na itinalaga ni Josaphat, at ni Joram, at ni Ochozias, na kaniyang mga magulang, na mga hari sa Juda, at ang kaniyang mga itinalagang bagay, at ang lahat na ginto na masusumpungan sa mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ng bahay ng hari, at ipinadala kay Hazael na hari sa Siria: at siya'y umalis sa Jerusalem.
2 Mga Hari 12:18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya kinuha ni Haring Joas ang mga kaloob na nalikom ng mga ninuno niyang sina Jehoshafat, Jehoram at Ahazias na naging mga hari ng Juda, pati na rin ang mga kaloob na kanyang nalikom. Kinuha rin niya ang mga ginto at pilak sa kabang-yaman ng Templo at ng palasyo, at ipinadala kay Haring Hazael. Dahil dito, hindi na sinalakay ni Hazael ang Jerusalem.
2 Mga Hari 12:18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)