Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Mga Taga-Corinto 6:1-10

2 Mga Taga-Corinto 6:1-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Yamang kami'y mga katulong sa gawain ng Diyos, nakikiusap kami sa inyo na huwag ninyong sayangin ang kagandahang-loob na ibinibigay sa inyo ng Diyos. Sapagkat sinasabi niya, “Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita, sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.” Ngayon na ang panahong nararapat! Ito na ang araw ng pagliligtas! Iniwasan naming makagawa ng anumang ipagdaramdam ninuman upang hindi mapulaan ang aming paglilingkod. Sa halip, sinisikap namin sa lahat ng paraan na ipakilalang kami'y lingkod ng Diyos, sa pamamagitan ng matiyagang pagtitiis sa lahat ng uri ng kahirapan, kapighatian at mga kagipitan. Kami'y hinagupit, ibinilanggo at binugbog. Naranasan namin ang magtrabaho nang labis, ang di matulog magdamag, at di kumain nang ilang araw. Namuhay kami nang malinis, may kaalaman, pagtitiis, at kabutihan upang ipakilalang kami'y lingkod ng Diyos sa patnubay ng Espiritu Santo at sa pamamagitan ng aming tapat na pag-ibig, tapat na pananalita, at ng kapangyarihan ng Diyos. Ang pagiging matuwid ang siya naming sandatang panlaban at panangga. Naranasan naming maparangalan at siraan ng puri, ang laitin at papurihan. Kami'y itinuring na sinungaling, gayong totoo naman ang aming sinasabi; itinuturing na di kilala, gayong kami'y kilalang-kilala; itinuturing na namamatay na, ngunit buháy naman; pinaparusahan kami, subalit hindi kami namamatay. Inari kaming nalulungkot, ngunit laging nagagalak; mukhang naghihirap, ngunit pinapayaman namin ang marami; parang walang-wala, ngunit sagana sa lahat ng bagay.

2 Mga Taga-Corinto 6:1-10 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Bilang mga katuwang sa gawain ng Diyos, nakikiusap kami sa inyo na huwag ninyong balewalain ang biyaya ng Diyos na inyong natanggap. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Dininig kita sa tamang panahon, at tinulungan kita sa araw ng kaligtasan.” Kaya sinasabi ko sa inyo, ngayon na ang tamang panahon! Ngayon na ang araw ng kaligtasan. Hindi kami gumagawa ng kahit na anong ikakatisod ng ibang tao, upang hindi mapintasan ang paglilingkod namin sa Diyos. Sa lahat ng aming ginagawa, sinisikap naming ipakita na kami ay totoong mga lingkod ng Diyos. Tinitiis namin ang anumang hirap, pasakit, kagipitan, pambubugbog, pagkakakulong, at panggugulo ng mga galit na tao. Sobrang pagod kami sa pagtatrabaho, halos wala kaming tulog at wala ring makain. Nakikita sa amin ang malinis na puso, kaalaman, pagtitiyaga at kagandahang-loob, ang patnubay ng Banal na Espiritu, ang tapat na pag-ibig, at tapat na pananalita, at ang kapangyarihan ng Diyos. Ang aming pagiging matuwid ang sandata namin na panlaban at panangga sa kaaway. Kami ay pinararangalan at hinahamak, sinisiraan at pinupuri. Itinuturing kaming mga manlilinlang, kahit kamiʼy tapat. Tanyag kami, bagamaʼt may mga hindi kumikilala sa amin. Palagi kaming nasa bingit ng kamatayan, ngunit buháy pa rin hanggang ngayon. Pinaparusahan kami ngunit hindi pinapatay. Itinuturing kaming nalulungkot, ngunit palagi kaming masaya. Mahirap lang kami, ngunit marami kaming pinapayaman. Wala kaming pag-aari sa mundong ito, ngunit ang totoo, sagana kami sa lahat ng bagay.

2 Mga Taga-Corinto 6:1-10 Ang Biblia (TLAB)

At yamang kalakip niyang gumagawa ay ipinamamanhik din namin sa inyo na huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Dios na walang kabuluhan. (Sapagka't sinasabi niya, Sa panahong ukol kita'y pinakinggan, At sa araw ng pagliligtas kita'y sinaklolohan: Narito, ngayon ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan): Na di nagbibigay ng kadahilanang ikatitisod sa anoman, upang ang aming ministerio ay huwag mapulaan; Datapuwa't sa lahat ng mga bagay ay ipinagkakapuri namin ang aming sarili, gaya ng mga ministro ng Dios, sa maraming pagtitiis, sa mga kapighatian, sa mga pangangailangan, sa mga paghihinagpis, Sa mga latay, sa mga pagkabilanggo, sa mga kaguluhan, sa mga gawa, sa mga pagpupuyat, sa mga pagaayuno; Sa kalinisan, sa kaalaman, sa pagpapahinuhod, sa kagandahang-loob, sa Espiritu Santo, sa pagibig na hindi pakunwari, Sa salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Dios; sa pamamagitan ng mga sandata ng katuwiran sa kanan at sa kaliwa, Sa pamamagitan ng karangalan at ng kasiraang puri, sa pamamagitan ng masamang ulat at ng mabuting ulat; gaya ng mga magdaraya gayon ma'y mga mapagtapat; Waring hindi mga kilala, gayon ma'y mga kilalang mabuti; tulad sa nangaghihingalo, at narito, kami ay nangabubuhay; gaya ng mga pinarurusahan, at hindi pinapatay; Tulad sa nangalulungkot, gayon ma'y laging nangagagalak; tulad sa mga dukha, gayon ma'y nangagpapayaman sa marami; gaya ng walang anomang pag-aari, gayon ma'y mayroon ng lahat ng mga bagay.

2 Mga Taga-Corinto 6:1-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Yamang kami'y mga katulong sa gawain ng Diyos, nakikiusap kami sa inyo na huwag ninyong sayangin ang kagandahang-loob na ibinibigay sa inyo ng Diyos. Sapagkat sinasabi niya, “Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita, sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.” Ngayon na ang panahong nararapat! Ito na ang araw ng pagliligtas! Iniwasan naming makagawa ng anumang ipagdaramdam ninuman upang hindi mapulaan ang aming paglilingkod. Sa halip, sinisikap namin sa lahat ng paraan na ipakilalang kami'y lingkod ng Diyos, sa pamamagitan ng matiyagang pagtitiis sa lahat ng uri ng kahirapan, kapighatian at mga kagipitan. Kami'y hinagupit, ibinilanggo at binugbog. Naranasan namin ang magtrabaho nang labis, ang di matulog magdamag, at di kumain nang ilang araw. Namuhay kami nang malinis, may kaalaman, pagtitiis, at kabutihan upang ipakilalang kami'y lingkod ng Diyos sa patnubay ng Espiritu Santo at sa pamamagitan ng aming tapat na pag-ibig, tapat na pananalita, at ng kapangyarihan ng Diyos. Ang pagiging matuwid ang siya naming sandatang panlaban at panangga. Naranasan naming maparangalan at siraan ng puri, ang laitin at papurihan. Kami'y itinuring na sinungaling, gayong totoo naman ang aming sinasabi; itinuturing na di kilala, gayong kami'y kilalang-kilala; itinuturing na namamatay na, ngunit buháy naman; pinaparusahan kami, subalit hindi kami namamatay. Inari kaming nalulungkot, ngunit laging nagagalak; mukhang naghihirap, ngunit pinapayaman namin ang marami; parang walang-wala, ngunit sagana sa lahat ng bagay.

2 Mga Taga-Corinto 6:1-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

At yamang kalakip niyang gumagawa ay ipinamamanhik din namin sa inyo na huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Dios na walang kabuluhan (Sapagka't sinasabi niya, Sa panahong ukol kita'y pinakinggan, At sa araw ng pagliligtas kita'y sinaklolohan: Narito, ngayon ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan): Na di nagbibigay ng kadahilanang ikatitisod sa anoman, upang ang aming ministerio ay huwag mapulaan; Datapuwa't sa lahat ng mga bagay ay ipinagkakapuri namin ang aming sarili, gaya ng mga ministro ng Dios, sa maraming pagtitiis, sa mga kapighatian, sa mga pangangailangan, sa mga paghihinagpis, Sa mga latay, sa mga pagkabilanggo, sa mga kaguluhan, sa mga gawa, sa mga pagpupuyat, sa mga pagaayuno; Sa kalinisan, sa kaalaman, sa pagpapahinuhod, sa kagandahang-loob, sa Espiritu Santo, sa pagibig na hindi pakunwari, Sa salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Dios; sa pamamagitan ng mga sandata ng katuwiran sa kanan at sa kaliwa, Sa pamamagitan ng karangalan at ng kasiraang puri, sa pamamagitan ng masamang ulat at ng mabuting ulat; gaya ng mga magdaraya gayon ma'y mga mapagtapat; Waring hindi mga kilala, gayon ma'y mga kilalang mabuti; tulad sa nangaghihingalo, at narito, kami ay nangabubuhay; gaya ng mga pinarurusahan, at hindi pinapatay; Tulad sa nangalulungkot, gayon ma'y laging nangagagalak; tulad sa mga dukha, gayon ma'y nangagpapayaman sa marami; gaya ng walang anomang pagaari, gayon ma'y mayroon ng lahat ng mga bagay.