2 Mga Taga-Corinto 5:1-5
2 Mga Taga-Corinto 5:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Alam nating kapag nasira na ang toldang tinatahanan natin ngayon, na tumutukoy sa ating katawang-lupa, tayo'y may tahanan sa langit na hindi kailanman masisira, isang tahanang ginawa ng Diyos, at hindi ng tao. Dumaraing tayo habang tayo'y nasa katawang ito, at labis na nananabik sa ating tahanang makalangit, upang kung mabihisan na tayo nito ay hindi tayo matagpuang hubad. Habang nakatira pa tayo sa toldang ito, tayo'y naghihinagpis at dumaraing, hindi dahil nais na nating iwaksi ang katawang panlupa, kundi dahil nais na nating mabihisan ng katawang panlangit. Sa gayon, ang buhay na may katapusan ay mapapalitan ng buhay na walang hanggan. Ang Diyos mismo ang nagtalaga sa atin para sa ganitong pagbabago, at ibinigay niya sa atin ang Espiritu bilang katibayan na ito'y matutupad.
2 Mga Taga-Corinto 5:1-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sapagkat alam nating kapag masisira ang toldang tinitirhan natin dito sa lupa, ang ating katawang panlupa, may bahay naman tayo sa langit na ginawa mismo ng Diyos at hindi ng tao. Ito ang ating katawang panlangit na hindi masisira magpakailanman. Samantala, dumaraing tayo ngayon sa ating katawang panlupa at nananabik madamitan ng ating katawang panlangit. Sapagkat kapag nadamitan tayo nito, hindi tayo matatagpuang hubad. Habang gamit pa natin ang ating katawang panlupa, dumadaing tayo at nahihirapan, hindi dahil sa gusto na nating mamatay kundi dahil sa gusto na nating magkaroon ng bagong katawan. Sa ganitong paraan, mapapalitan na ang katawan nating namamatay ng hindi namamatay. Ang Diyos na rin ang siyang naghanda sa atin para tanggapin natin ang bagong katawan, at bilang katiyakan, ibinigay niya sa atin ang kanyang Espiritu.
2 Mga Taga-Corinto 5:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't nalalaman namin na kung masira ang aming bahay na tabernakulong ukol sa lupa, ay mayroong kaming isang gusaling mula sa Dios, bahay na hindi gawa ng mga kamay, walang hanggan, sa sangkalangitan. Sapagka't tunay na sa ganito kami ay nagsisihibik, na nangagnanasang mabihisan kami ng aming tahanang mula sa langit: Na kung mabihisan nga kami niyaon ay hindi kami mangasusumpungang hubad. Sapagka't tunay na kaming nangasa tabernakulong ito ay nagsisihibik, na nangabibigatan; hindi sa ninanasa naming maging hubad, kundi ninanasa naming kami'y bihisan, upang ang may kamatayan ay lamunin ng buhay. Ngayon ang gumawa sa amin ng bagay ding ito ay ang Dios, na nagbigay sa amin ng patotoo ng Espiritu.
2 Mga Taga-Corinto 5:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Alam nating kapag nasira na ang toldang tinatahanan natin ngayon, na tumutukoy sa ating katawang-lupa, tayo'y may tahanan sa langit na hindi kailanman masisira, isang tahanang ginawa ng Diyos, at hindi ng tao. Dumaraing tayo habang tayo'y nasa katawang ito, at labis na nananabik sa ating tahanang makalangit, upang kung mabihisan na tayo nito ay hindi tayo matagpuang hubad. Habang nakatira pa tayo sa toldang ito, tayo'y naghihinagpis at dumaraing, hindi dahil nais na nating iwaksi ang katawang panlupa, kundi dahil nais na nating mabihisan ng katawang panlangit. Sa gayon, ang buhay na may katapusan ay mapapalitan ng buhay na walang hanggan. Ang Diyos mismo ang nagtalaga sa atin para sa ganitong pagbabago, at ibinigay niya sa atin ang Espiritu bilang katibayan na ito'y matutupad.
2 Mga Taga-Corinto 5:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)