2 Mga Taga-Corinto 12:9-10
2 Mga Taga-Corinto 12:9-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
ganito ang kanyang sagot, “Ang pagpapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” Kaya't buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga kahinaan upang lalo kong madama ang kapangyarihan ni Cristo. Dahil kay Cristo, walang halaga sa akin kung ako ma'y mahina, kutyain, pahirapan, usigin at magtiis. Sapagkat kung kailan ako lalong mahina, saka naman ako nagiging malakas.
2 Mga Taga-Corinto 12:9-10 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, “Sapat ang biyaya ko para sa ʼyo sapagkat ang kapangyarihan koʼy nakikita sa ʼyong kahinaan.” Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay palagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Kristo. Dahil dito, nagagalak ako sa kabila ng aking kahinaan, mga panlalait, mga pasakit, pang-uusig, at sa mga paghihirap alang-alang kay Kristo. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako pinalalakas ng Diyos.
2 Mga Taga-Corinto 12:9-10 Ang Biblia (TLAB)
At siya'y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo. Kaya nga ako'y nagagalak sa mga kahinaan, sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga paghihinagpis, dahil kay Cristo: sapagka't pagka ako'y mahina, ako nga'y malakas.
2 Mga Taga-Corinto 12:9-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
ganito ang kanyang sagot, “Ang pagpapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” Kaya't buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga kahinaan upang lalo kong madama ang kapangyarihan ni Cristo. Dahil kay Cristo, walang halaga sa akin kung ako ma'y mahina, kutyain, pahirapan, usigin at magtiis. Sapagkat kung kailan ako lalong mahina, saka naman ako nagiging malakas.
2 Mga Taga-Corinto 12:9-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)