2 Mga Taga-Corinto 11:21
2 Mga Taga-Corinto 11:21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kahiya-hiya man ay aaminin kong hindi namin kayang gawin iyan! Kung may nakapagyayabang, ako'y makapagyayabang din at ako'y nakapagsasalita tulad ng isang hangal.
2 Mga Taga-Corinto 11:21 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nakakahiya mang aminin na mahihina kami, pero hindi namin kayang gawin ang mga iyan! Kung may magmamalaki riyan, magmamalaki rin ako, kahit na magmukha akong hangal sa sinasabi ko.
2 Mga Taga-Corinto 11:21 Ang Biblia (TLAB)
Sinasalita ko ang tungkol sa kapulaan, na wari ay naging mahina kami. Nguni't kung ang sinoman ay matapang sa anoman (nangungusap ako sa kamangmangan), ako'y matapang din naman.