2 Mga Taga-Corinto 10:12 - Compare All Versions
2 Mga Taga-Corinto 10:12 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Hindi namin ipapantay, o ihahambing man lamang, ang aming sarili sa ilang nagbubuhat ng sariling bangko. Napakahangal nila! Ang sarili rin nila ang ginagawa nilang sukatan at parisan ng kanilang sarili!
2 Mga Taga-Corinto 10:12 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Hindi namin ibinibilang o ikinukumpara ang aming sarili sa mga ibang mataas ang tingin sa sarili. Mga hangal sila, dahil sinusukat nila at kinukumpara ang kani-kanilang sarili.
2 Mga Taga-Corinto 10:12 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Hindi namin ipapantay, o ihahambing man lamang, ang aming sarili sa ilang nagbubuhat ng sariling bangko. Napakahangal nila! Ang sarili rin nila ang ginagawa nilang sukatan at parisan ng kanilang sarili!
2 Mga Taga-Corinto 10:12 TLAB (Ang Biblia)
Sapagka't hindi kami nangagmamatapang na makibilang o makitulad sa mga ilan doon sa mga nagmamapuri sa kanilang sarili: nguni't sila na sinusukat ang kanilang sarili sa kanila rin, at kanilang itinutulad ang sarili sa kanila rin ay mga walang unawa.
2 Mga Taga-Corinto 10:12 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))