2 Mga Cronica 7:7
2 Mga Cronica 7:7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Itinalaga ni Solomon ang gitna ng bulwagan sa harap ng Templo. Doon niya inialay ang mga handog na susunugin, ang mga handog na pagkaing butil at ang mga tabang handog pangkapayapaan, sapagkat hindi magkasya ang mga ito sa altar na tanso na ipinagawa ni Solomon.
2 Mga Cronica 7:7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Itinalaga ni Solomon ang bakuran sa harap ng templo ng PANGINOON para roon mag-alay ng mga handog na sinusunog, mga handog bilang pagpaparangal sa PANGINOON, at mga taba bilang handog para sa mabuting relasyon. Dahil ang tansong altar na ipinagawa niya ay hindi kakasya para sa mga handog na ito.
2 Mga Cronica 7:7 Ang Biblia (TLAB)
Bukod dito'y itinalaga ni Salomon ang gitna ng looban na nasa harap ng bahay ng Panginoon; sapagka't doon niya inihandog ang mga handog na susunugin, at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan, sapagka't ang tansong dambana na ginawa ni Salomon ay hindi makakaya sa handog na susunugin, at sa handog na harina, at sa taba.
2 Mga Cronica 7:7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Itinalaga ni Solomon ang gitna ng bulwagan sa harap ng Templo. Doon niya inialay ang mga handog na susunugin, ang mga handog na pagkaing butil at ang mga tabang handog pangkapayapaan, sapagkat hindi magkasya ang mga ito sa altar na tanso na ipinagawa ni Solomon.
2 Mga Cronica 7:7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)