2 Mga Cronica 6:18 - Compare All Versions
2 Mga Cronica 6:18 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
“Subalit maaari po bang manirahan sa lupa ang Diyos? Kung ang langit, ang kataas-taasang langit, ay hindi sapat na maging tahanan ninyo, ito pa kayang hamak na Templong aking itinayo?
2 Mga Cronica 6:18 ASD (Ang Salita ng Diyos)
“Ngunit makakatira nga po ba kayo, O Diyos, sa mundo kasama ng mga tao? Hindi nga kayo magkakasya kahit sa pinakamataas na langit, ano pa kaya kung sa Templo na ipinatayo ko?
2 Mga Cronica 6:18 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Subalit maaari po bang manirahan sa lupa ang Diyos? Kung ang langit, ang kataas-taasang langit, ay hindi sapat na maging tahanan ninyo, ito pa kayang hamak na Templong aking itinayo?
2 Mga Cronica 6:18 TLAB (Ang Biblia)
Nguni't katotohanan bang ang Dios ay tatahang kasama ng mga tao sa lupa? narito, sa langit, at sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya; gaano pa nga sa bahay na ito na aking itinayo!
2 Mga Cronica 6:18 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))