1 Timoteo 2:5-6
1 Timoteo 2:5-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus, Na ibinigay ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan
1 Timoteo 2:5-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sapagkat iisa ang Diyos, at tanging si Jesu-Cristo lamang ang taong tagapamagitan sa atin at sa Diyos. Inihandog niya ang kanyang buhay upang tubusin ang lahat mula sa kasalanan. Ang katotohanang ito ay pinatunayan sa takdang panahon.
1 Timoteo 2:5-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sapagkat iisa lang ang Diyos at iisa lang ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao; walang iba kundi ang taong si Kristo Hesus na naghandog ng kanyang buhay bilang pantubos sa lahat ng tao. Sa pamamagitan nitoʼy naihayag ang kalooban ng Diyos sa takdang panahong pinili niya.
1 Timoteo 2:5-6 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus, Na ibinigay ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan
1 Timoteo 2:5-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)