1 Mga Taga-Tesalonica 3:6-13
1 Mga Taga-Tesalonica 3:6-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngayon ay nakabalik na rito si Timoteo, at maganda ang balita niya tungkol sa inyong pananampalataya at pag-ibig. Ibinalita rin niya sa amin na lagi ninyo kaming naaalala at malaki ang pananabik na makita kami, gaya ng pananabik naming makita kayo. Mga kapatid, dahil sa inyong pananampalataya kay Cristo ay naaliw kami sa gitna ng aming pagkabalisa at mga hirap. Nabuhayan kami ng loob dahil sa inyong pananatiling matatag sa pananampalataya. Paano kaya namin mapapasalamatan nang sapat ang Diyos dahil sa kagalakang natamo namin dahil sa inyo? Mataimtim naming idinadalangin araw-gabi na kayo'y muli naming makita at mapunuan ang anumang kakulangan sa inyong pananampalataya. Loobin nawa ng ating Diyos Ama at ng ating Panginoong Jesus na makapunta kami diyan sa inyo. Nawa'y pasaganain at pag-umapawin ng Panginoon ang inyong pag-ibig sa isa't isa at sa lahat ng tao, tulad ng pag-ibig namin sa inyo. Palalakasin niya ang inyong loob upang kayo'y manatiling banal at walang kapintasan sa harap ng ating Diyos at Ama hanggang sa muling pagdating ng ating Panginoong Jesus, kasama ang kanyang mga hinirang.
1 Mga Taga-Tesalonica 3:6-13 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngayon, nakabalik na sa amin si Timoteo at dala niya ang magandang balita tungkol sa pananampalataya at pag-ibig ninyo, ang magagandang alaala ninyo tungkol sa amin, at ang pananabik ninyong makita kami gaya ng pananabik namin sa inyo. Dahil dito, mga kapatid, napasigla kami ng inyong pananampalataya sa kabila ng mga paghihirap at pagdurusa namin. Nabubuhayan kami ng loob dahil alam naming matatag ang inyong pananampalataya sa Panginoon. Anong uring pasasalamat ang maibibigay namin sa Diyos dahil sa kagalakang dulot ninyo sa amin? Araw-gabi, taimtim naming ipinapanalangin na makasama ulit kayo upang maturuan kayo at mapunan namin ang anumang kakulangan sa inyong pananampalataya. Nawaʼy dalhin kami ng Diyos nating Ama at ng Panginoong Hesus sa inyo sa lalong madaling panahon. Nawaʼy bigyan kayo ng Panginoon ng higit pang pag-ibig para sa bawat isa at sa lahat ng tao, gaya ng nag-uumapaw na pag-ibig namin para sa inyo. Sa ganitong paraan magiging malakas ang loob ninyo, at magiging banal at walang kapintasan ang inyong buhay sa harapan ng Diyos sa araw ng pagbabalik ng ating Panginoong Hesus kasama ang mga pinili niya. Amen.
1 Mga Taga-Tesalonica 3:6-13 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't nang si Timoteo ay dumating sa amin ngayon na buhat sa inyo, at nagdala sa amin ng mabubuting balita tungkol sa inyong pananampalataya at pagibig, at laging kami'y inaalaalang mabuti ninyo, na ninanasang makita kami na gaya naman namin sa inyo; Dahil dito'y nangaaliw kami, mga kapatid, tungkol sa inyo sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa lahat naming kagipitan at kapighatian: Sapagka't ngayon ay nangabubuhay kami, kung kayo'y nangamamalaging matibay sa Panginoon. Sapagka't ano ngang pagpapasalamat ang aming muling maibibigay sa Dios dahil sa inyo, dahil sa buong kagalakan na aming ikinagalak dahil sa inyo sa harapan ng aming Dios; Gabi't araw ay idinadalangin naming buong ningas na aming makita ang inyong mukha, at aming malubos ang inyong pananampalataya. Ngayo'y patnugutan nawa ng atin ding Dios at Ama, at ng ating Panginoong Jesus, ang aming paglalakbay sa inyo: At kayo'y palaguin at pasaganain ng Panginoon sa pagibig sa isa't isa, at sa lahat ng mga tao, na gaya naman ng amin sa inyo; Upang patibayin niya ang inyong mga puso, na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na kasama ang kaniyang lahat na mga banal.
1 Mga Taga-Tesalonica 3:6-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ngayon ay nakabalik na rito si Timoteo, at maganda ang balita niya tungkol sa inyong pananampalataya at pag-ibig. Ibinalita rin niya sa amin na lagi ninyo kaming naaalala at malaki ang pananabik na makita kami, gaya ng pananabik naming makita kayo. Mga kapatid, dahil sa inyong pananampalataya kay Cristo ay naaliw kami sa gitna ng aming pagkabalisa at mga hirap. Nabuhayan kami ng loob dahil sa inyong pananatiling matatag sa pananampalataya. Paano kaya namin mapapasalamatan nang sapat ang Diyos dahil sa kagalakang natamo namin dahil sa inyo? Mataimtim naming idinadalangin araw-gabi na kayo'y muli naming makita at mapunuan ang anumang kakulangan sa inyong pananampalataya. Loobin nawa ng ating Diyos Ama at ng ating Panginoong Jesus na makapunta kami diyan sa inyo. Nawa'y pasaganain at pag-umapawin ng Panginoon ang inyong pag-ibig sa isa't isa at sa lahat ng tao, tulad ng pag-ibig namin sa inyo. Palalakasin niya ang inyong loob upang kayo'y manatiling banal at walang kapintasan sa harap ng ating Diyos at Ama hanggang sa muling pagdating ng ating Panginoong Jesus, kasama ang kanyang mga hinirang.
1 Mga Taga-Tesalonica 3:6-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)