1 Mga Taga-Tesalonica 3:1-13
1 Mga Taga-Tesalonica 3:1-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang hindi na kami makatiis, minabuti naming magpaiwan sa Atenas at suguin sa inyo si Timoteo na ating kapatid at kamanggagawa sa Diyos sa pangangaral ng Magandang Balita tungkol kay Cristo. Isinugo namin siya upang patatagin kayo at palakasin ang inyong loob alang-alang sa inyong pananampalataya, upang hindi manghina ang sinuman sa inyo dahil sa mga pag-uusig. Alam ninyong ang mga pag-uusig ay bahagi ng kalooban ng Diyos para sa atin. Ipinagpauna na namin sa inyo noong naririyan pa kami na tayo'y uusigin, at gayon nga ang nangyayari tulad ng alam ninyo. Kaya nga, nang hindi na ako makatiis ay nagpadala ako riyan ng sugo upang alamin ang kalagayan ngayon ng inyong pananampalataya sa Panginoon. Nag-aalala ako na baka nalinlang na kayo ng diyablo, at kung magkagayo'y mawawalan ng kabuluhan ang aming pagpapagal. Ngayon ay nakabalik na rito si Timoteo, at maganda ang balita niya tungkol sa inyong pananampalataya at pag-ibig. Ibinalita rin niya sa amin na lagi ninyo kaming naaalala at malaki ang pananabik na makita kami, gaya ng pananabik naming makita kayo. Mga kapatid, dahil sa inyong pananampalataya kay Cristo ay naaliw kami sa gitna ng aming pagkabalisa at mga hirap. Nabuhayan kami ng loob dahil sa inyong pananatiling matatag sa pananampalataya. Paano kaya namin mapapasalamatan nang sapat ang Diyos dahil sa kagalakang natamo namin dahil sa inyo? Mataimtim naming idinadalangin araw-gabi na kayo'y muli naming makita at mapunuan ang anumang kakulangan sa inyong pananampalataya. Loobin nawa ng ating Diyos Ama at ng ating Panginoong Jesus na makapunta kami diyan sa inyo. Nawa'y pasaganain at pag-umapawin ng Panginoon ang inyong pag-ibig sa isa't isa at sa lahat ng tao, tulad ng pag-ibig namin sa inyo. Palalakasin niya ang inyong loob upang kayo'y manatiling banal at walang kapintasan sa harap ng ating Diyos at Ama hanggang sa muling pagdating ng ating Panginoong Jesus, kasama ang kanyang mga hinirang.
1 Mga Taga-Tesalonica 3:1-13 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kaya, nang hindi na namin iyon matagalan, nagpasya kaming magpaiwan sa Atenas. Ipinadala namin sa inyo si Timoteo na kapatid natin at kasama naming naglilingkod sa Diyos sa pangangaral ng Magandang Balita tungkol kay Kristo. Pinapunta namin siya para patibayin at palakasin ang pananampalataya ninyo, upang hindi kayo panghinaan ng loob dahil sa mga nararanasan ninyong pag-uusig. Sapagkat alam ninyong pagdadaanan natin ang mga ito. Noong nariyan pa kami sa inyo, palagi namin kayong pinapaalalahanan na makakaranas tayo ng mga pag-uusig. At gaya ng alam nʼyo, ito na nga ang nangyari. Kaya nang hindi na ako makatiis, pinapunta ko diyan si Timoteo upang makibalita tungkol sa kalagayan ng pananampalataya nʼyo sa Panginoon, dahil nag-aalala akong baka nanaig na sa inyo si Satanas at nasayang lang ang pagod namin sa pangangaral sa inyo. Ngayon, nakabalik na sa amin si Timoteo at dala niya ang magandang balita tungkol sa pananampalataya at pag-ibig ninyo, ang magagandang alaala ninyo tungkol sa amin, at ang pananabik ninyong makita kami gaya ng pananabik namin sa inyo. Dahil dito, mga kapatid, napasigla kami ng inyong pananampalataya sa kabila ng mga paghihirap at pagdurusa namin. Nabubuhayan kami ng loob dahil alam naming matatag ang inyong pananampalataya sa Panginoon. Anong uring pasasalamat ang maibibigay namin sa Diyos dahil sa kagalakang dulot ninyo sa amin? Araw-gabi, taimtim naming ipinapanalangin na makasama ulit kayo upang maturuan kayo at mapunan namin ang anumang kakulangan sa inyong pananampalataya. Nawaʼy dalhin kami ng Diyos nating Ama at ng Panginoong Hesus sa inyo sa lalong madaling panahon. Nawaʼy bigyan kayo ng Panginoon ng higit pang pag-ibig para sa bawat isa at sa lahat ng tao, gaya ng nag-uumapaw na pag-ibig namin para sa inyo. Sa ganitong paraan magiging malakas ang loob ninyo, at magiging banal at walang kapintasan ang inyong buhay sa harapan ng Diyos sa araw ng pagbabalik ng ating Panginoong Hesus kasama ang mga pinili niya. Amen.
1 Mga Taga-Tesalonica 3:1-13 Ang Biblia (TLAB)
Kaya't nang hindi na kami mangakatiis, ay minagaling naming maiwang nangagiisa sa Atenas; At aming sinugo si Timoteo, na aming kapatid at ministro ng Dios sa evangelio ni Cristo, upang kayo'y kaniyang patibayin at aliwin, tungkol sa inyong pananampalataya; Upang ang sinoma'y huwag mabagabag sa pamamagitan ng mga kapighatiang ito; sapagka't kayo rin ang nangakaaalam na itinalaga kami sa bagay na ito. Sapagka't sa katotohanan, nang kami ay kasama ninyo ay aming sinabi nang una sa inyo na kami ay mangagbabata ng kapighatian; gaya nga na nangyari, at nalalaman ninyo. Dahil dito naman, nang hindi ko na matiis pa, ako'y nagsugo upang matalastas ko ang inyong pananampalataya, baka sa anomang paraan kayo'y nangatukso ng manunukso, at ang aming pagpapagal ay mawalan ng kabuluhan. Datapuwa't nang si Timoteo ay dumating sa amin ngayon na buhat sa inyo, at nagdala sa amin ng mabubuting balita tungkol sa inyong pananampalataya at pagibig, at laging kami'y inaalaalang mabuti ninyo, na ninanasang makita kami na gaya naman namin sa inyo; Dahil dito'y nangaaliw kami, mga kapatid, tungkol sa inyo sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa lahat naming kagipitan at kapighatian: Sapagka't ngayon ay nangabubuhay kami, kung kayo'y nangamamalaging matibay sa Panginoon. Sapagka't ano ngang pagpapasalamat ang aming muling maibibigay sa Dios dahil sa inyo, dahil sa buong kagalakan na aming ikinagalak dahil sa inyo sa harapan ng aming Dios; Gabi't araw ay idinadalangin naming buong ningas na aming makita ang inyong mukha, at aming malubos ang inyong pananampalataya. Ngayo'y patnugutan nawa ng atin ding Dios at Ama, at ng ating Panginoong Jesus, ang aming paglalakbay sa inyo: At kayo'y palaguin at pasaganain ng Panginoon sa pagibig sa isa't isa, at sa lahat ng mga tao, na gaya naman ng amin sa inyo; Upang patibayin niya ang inyong mga puso, na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na kasama ang kaniyang lahat na mga banal.
1 Mga Taga-Tesalonica 3:1-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang hindi na kami makatiis, minabuti naming magpaiwan sa Atenas at suguin sa inyo si Timoteo na ating kapatid at kamanggagawa sa Diyos sa pangangaral ng Magandang Balita tungkol kay Cristo. Isinugo namin siya upang patatagin kayo at palakasin ang inyong loob alang-alang sa inyong pananampalataya, upang hindi manghina ang sinuman sa inyo dahil sa mga pag-uusig. Alam ninyong ang mga pag-uusig ay bahagi ng kalooban ng Diyos para sa atin. Ipinagpauna na namin sa inyo noong naririyan pa kami na tayo'y uusigin, at gayon nga ang nangyayari tulad ng alam ninyo. Kaya nga, nang hindi na ako makatiis ay nagpadala ako riyan ng sugo upang alamin ang kalagayan ngayon ng inyong pananampalataya sa Panginoon. Nag-aalala ako na baka nalinlang na kayo ng diyablo, at kung magkagayo'y mawawalan ng kabuluhan ang aming pagpapagal. Ngayon ay nakabalik na rito si Timoteo, at maganda ang balita niya tungkol sa inyong pananampalataya at pag-ibig. Ibinalita rin niya sa amin na lagi ninyo kaming naaalala at malaki ang pananabik na makita kami, gaya ng pananabik naming makita kayo. Mga kapatid, dahil sa inyong pananampalataya kay Cristo ay naaliw kami sa gitna ng aming pagkabalisa at mga hirap. Nabuhayan kami ng loob dahil sa inyong pananatiling matatag sa pananampalataya. Paano kaya namin mapapasalamatan nang sapat ang Diyos dahil sa kagalakang natamo namin dahil sa inyo? Mataimtim naming idinadalangin araw-gabi na kayo'y muli naming makita at mapunuan ang anumang kakulangan sa inyong pananampalataya. Loobin nawa ng ating Diyos Ama at ng ating Panginoong Jesus na makapunta kami diyan sa inyo. Nawa'y pasaganain at pag-umapawin ng Panginoon ang inyong pag-ibig sa isa't isa at sa lahat ng tao, tulad ng pag-ibig namin sa inyo. Palalakasin niya ang inyong loob upang kayo'y manatiling banal at walang kapintasan sa harap ng ating Diyos at Ama hanggang sa muling pagdating ng ating Panginoong Jesus, kasama ang kanyang mga hinirang.
1 Mga Taga-Tesalonica 3:1-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)