1 Mga Taga-Tesalonica 2:7-9
1 Mga Taga-Tesalonica 2:7-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
kahit na, bilang mga apostol ni Cristo, ay may katuwiran kaming umasa ng ganoon. Ngunit naging magiliw kami sa inyo, tulad ng isang mapagkalingang ina sa kanyang mga anak. Dahil sa laki ng aming pagmamahal sa inyo, hindi lamang namin inihandog ang aming sarili sa pangangaral sa inyo ng Magandang Balita, kundi maging ang aming buhay ay ihahandog din namin. Mga kapatid, tiyak na natatandaan pa ninyo kung paano kami nagtrabaho at nagsikap araw-gabi para hindi kami makabigat kaninuman habang ipinapahayag namin sa inyo ang Magandang Balitang mula sa Diyos.
1 Mga Taga-Tesalonica 2:7-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)
kahit puwede naming ipagpilitan ang karapatan namin bilang mga apostol ni Kristo. Sa halip, naging maaruga kami sa inyo tulad ng isang mapagkalingang ina sa mga anak niya. At dahil sa laki ng pagmamalasakit namin sa inyo, natutuwa kaming ibahagi sa inyo hindi lamang ang Magandang Balita ng Diyos kundi pati na rin ang aming buhay, sapagkat napamahal na kayo sa amin. Tiyak na natatandaan nʼyo pa mga kapatid, kung gaano kami naghirap at nagpagal habang ipinapangaral namin ang Magandang Balita ng Diyos. Araw-gabi kaming nagtatrabaho para sa aming ikabubuhay upang hindi kami maging pabigat sa inyo.
1 Mga Taga-Tesalonica 2:7-9 Ang Biblia (TLAB)
Kundi kami ay nangagpapakalumanay sa gitna ninyo, na gaya ng isang sisiwa pagka inaamoamo ang kaniyang sariling mga anak: Gayon din kami, palibhasa'y may magiliw na pagibig sa inyo, ay kinalugdan naming kayo'y bahaginan, hindi lamang ng evangelio ng Dios, kundi naman ng aming sariling mga kaluluwa, sapagka't kayo'y naging lalong mahal sa amin. Sapagka't inaalaala ninyo, mga kapatid, ang aming pagpapagal at pagdaramdam: amin ngang ipinangaral ang evangelio ng Dios na kami ay gumagawa gabi't araw, upang huwag kaming maging isang pasanin sa kanino man sa inyo.
1 Mga Taga-Tesalonica 2:7-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
kahit na, bilang mga apostol ni Cristo, ay may katuwiran kaming umasa ng ganoon. Ngunit naging magiliw kami sa inyo, tulad ng isang mapagkalingang ina sa kanyang mga anak. Dahil sa laki ng aming pagmamahal sa inyo, hindi lamang namin inihandog ang aming sarili sa pangangaral sa inyo ng Magandang Balita, kundi maging ang aming buhay ay ihahandog din namin. Mga kapatid, tiyak na natatandaan pa ninyo kung paano kami nagtrabaho at nagsikap araw-gabi para hindi kami makabigat kaninuman habang ipinapahayag namin sa inyo ang Magandang Balitang mula sa Diyos.
1 Mga Taga-Tesalonica 2:7-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)