1 Mga Taga-Tesalonica 2:1-7
1 Mga Taga-Tesalonica 2:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga kapatid, kayo na rin ang nakakaalam na hindi nawalan ng kabuluhan ang pagpunta namin sa inyo. Alam ninyong hinamak kami't ininsulto sa Filipos, ngunit sa kabila ng maraming hadlang, binigyan kami ng Diyos ng lakas ng loob na ipahayag sa inyo ang Magandang Balita. Ang pangangaral namin sa inyo ay hindi batay sa kamalian, o sa masamang pagnanasa, o sa hangad na manlinlang. Sapagkat minarapat ng Diyos na ipagkatiwala sa amin ang Magandang Balita, nangangaral kami sa inyo, hindi upang bigyang-kasiyahan ang tao, kundi ang Diyos na nakakasiyasat ng ating puso. Alam ng Diyos at alam din ninyo na ang aming pangangaral ay hindi sa pamamagitan ng matatamis na pangungusap, o ng mga salitang nagkukubli ng kasakiman. Hindi kami naghangad ng papuri ninyo o ninuman kahit na, bilang mga apostol ni Cristo, ay may katuwiran kaming umasa ng ganoon. Ngunit naging magiliw kami sa inyo, tulad ng isang mapagkalingang ina sa kanyang mga anak.
1 Mga Taga-Tesalonica 2:1-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mga kapatid, kayo na rin ang nakakaalam na hindi nasayang ang pagpunta namin diyan sa inyo. Alam nʼyo ang mga paghihirap at pag-aalipusta na dinanas namin sa Filipos bago pa man kami dumating diyan. Ngunit sa kabila nito, binigyan kami ng Diyos ng lakas ng loob na ipangaral ang Magandang Balita sa inyo, kahit na marami ang kumokontra sa amin. Sapagkat ang pangangaral namin ay hindi batay sa kamalian o sa hangaring mandaya o manloko. Bagkus, sinubok kami ng Diyos at napatunayan kaming mapagkakatiwalaan. Hinirang niya kami upang ipahayag ang Magandang Balita at sa dahilan lamang na ito kamiʼy nangangaral. Ginagawa namin ito hindi upang bigyang-lugod ang tao, kundi ang Diyos na patuloy na sumisiyasat sa aming mga puso. Kahit minsan ay hindi namin kayo ginamitan ng mabulaklak na pananalita. Ang Diyos ang aming saksi na hindi kami nagpanggap na kaibigan ninyo upang makuha ang inyong pera. Hindi namin hinangad ang papuri ng tao, mula man sa inyo o sa iba, kahit puwede naming ipagpilitan ang karapatan namin bilang mga apostol ni Kristo. Sa halip, naging maaruga kami sa inyo tulad ng isang mapagkalingang ina sa mga anak niya.
1 Mga Taga-Tesalonica 2:1-7 Ang Biblia (TLAB)
Kaya nga nalalaman ninyo rin, mga kapatid, na ang aming pagkapasok sa inyo, ay hindi nawalan ng kabuluhan: Kundi palibhasa'y nagsipagbata kami nang una at inalipusta, gaya ng inyong nalalaman, sa Filipos, ay nangagkaroon kami ng kalakasan ng loob dahil sa ating Dios upang salitain sa inyo ang evangelio ng Dios sa gitna ng maraming kaligaligan. Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa karumihan, ni sa pagdaraya. Kundi kung paanong kami'y minarapat ng Dios upang pagkatiwalaan kami ng evangelio, ay gayon namin sinasalita; hindi gaya ng nangagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa Dios na sumusubok ng aming mga puso. Sapagka't hindi kami nasusumpungang nagsisigamit kailan man ng mga salitang paimbabaw, gaya ng nalalaman ninyo, ni ng balabal man ng kasakiman, saksi ang Dios; Ni nagsihanap man sa mga tao ng kapurihan, ni sa inyo man, ni sa mga iba man, nang maaaring magsigamit kami ng kapamahalaan gaya ng mga apostol ni Cristo. Kundi kami ay nangagpapakalumanay sa gitna ninyo, na gaya ng isang sisiwa pagka inaamoamo ang kaniyang sariling mga anak
1 Mga Taga-Tesalonica 2:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mga kapatid, kayo na rin ang nakakaalam na hindi nawalan ng kabuluhan ang pagpunta namin sa inyo. Alam ninyong hinamak kami't ininsulto sa Filipos, ngunit sa kabila ng maraming hadlang, binigyan kami ng Diyos ng lakas ng loob na ipahayag sa inyo ang Magandang Balita. Ang pangangaral namin sa inyo ay hindi batay sa kamalian, o sa masamang pagnanasa, o sa hangad na manlinlang. Sapagkat minarapat ng Diyos na ipagkatiwala sa amin ang Magandang Balita, nangangaral kami sa inyo, hindi upang bigyang-kasiyahan ang tao, kundi ang Diyos na nakakasiyasat ng ating puso. Alam ng Diyos at alam din ninyo na ang aming pangangaral ay hindi sa pamamagitan ng matatamis na pangungusap, o ng mga salitang nagkukubli ng kasakiman. Hindi kami naghangad ng papuri ninyo o ninuman kahit na, bilang mga apostol ni Cristo, ay may katuwiran kaming umasa ng ganoon. Ngunit naging magiliw kami sa inyo, tulad ng isang mapagkalingang ina sa kanyang mga anak.
1 Mga Taga-Tesalonica 2:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)