Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Samuel 9:15-17 - Compare All Versions

1 Samuel 9:15-17 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Isang araw bago dumating doon si Saul, nagpakita kay Samuel si Yahweh at sinabi, “Bukas nang ganitong oras, may darating sa iyong isang lalaking taga-Benjamin. Pahiran mo siya ng langis bilang pinuno ng aking bayang Israel. Siya ang magtatanggol sa mga Israelita laban sa mga Filisteo. Naaawa na ako sa nakikita kong paghihirap ng aking bayan at narinig ko ang kanilang karaingan.” Nang dumating si Saul, sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Iyan ang lalaking sinasabi ko sa iyo na maghahari sa Israel.”

1 Samuel 9:15-17 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Isang araw bago dumating si Saul, sinabi na ng PANGINOON kay Samuel, “Bukas, sa ganito ring oras, papupuntahin ko sa iyo ang isang tao na galing sa lugar ng Benjamin. Pahiran mo ng langis ang kanyang ulo bilang tanda na siya ang pinili kong magiging pinuno ng mga mamamayan kong Israelita. Ililigtas niya ang aking mga mamamayan sa kamay ng mga Filisteo dahil nakita ko ang paghihirap nila at narinig ko ang paghingi nila ng tulong.” Nang makita ni Samuel si Saul, nagsalita ang PANGINOON kay Samuel, “Siya ang taong sinasabi ko sa iyo. Pamumunuan niya ang aking bayan.”

1 Samuel 9:15-17 TLAB (Ang Biblia)

Inihayag nga ng Panginoon kay Samuel isang araw bago si Saul ay naparoon, na sinasabi, Bukas sa ganitong oras ay susuguin ko sa iyo ang isang lalake na mula sa lupain ng Benjamin, at iyong papahiran siya ng langis upang maging pangulo sa aking bayang Israel; at kaniyang ililigtas ang aking bayan sa kamay ng mga Filisteo: sapagka't aking tiningnan ang aking bayan, dahil sa ang kanilang daing ay sumapit sa akin. At nang makita ni Samuel si Saul, ay sinabi ng Panginoon sa kaniya, Narito ang lalake na aking sinalita sa iyo! ito nga ang magkakaroon ng kapangyarihan sa aking bayan.

1 Samuel 9:15-17 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Isang araw bago dumating doon si Saul, nagpakita kay Samuel si Yahweh at sinabi, “Bukas nang ganitong oras, may darating sa iyong isang lalaking taga-Benjamin. Pahiran mo siya ng langis bilang pinuno ng aking bayang Israel. Siya ang magtatanggol sa mga Israelita laban sa mga Filisteo. Naaawa na ako sa nakikita kong paghihirap ng aking bayan at narinig ko ang kanilang karaingan.” Nang dumating si Saul, sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Iyan ang lalaking sinasabi ko sa iyo na maghahari sa Israel.”

1 Samuel 9:15-17 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))