1 Pedro 4:16-19
1 Pedro 4:16-19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit kung kayo'y magdusa dahil sa pagiging Cristiano, huwag ninyong ikahiya ito; sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos sapagkat taglay ninyo ang pangalan ni Cristo. Dumating na ang panahon ng paghuhukom, at ito'y magsisimula sa mga bayan ng Diyos. At kung sa atin ito magsisimula, ano kaya ang magiging wakas ng mga hindi sumusunod sa Magandang Balita ng Diyos? Tulad ng sinasabi ng kasulatan, “Kung ang taong matuwid ay napakahirap maligtas, ang di kumikilala sa Diyos, paano pa maliligtas?” Kaya nga, ang mga naghihirap dahil sa kalooban ng Diyos ay dapat magtiwala sa Lumikha, at magpatuloy sa paggawa ng mabuti. Ang Diyos ay laging tapat sa kanyang pangako.
1 Pedro 4:16-19 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngunit kung pinarusahan kayo dahil Kristiyano kayo, huwag kayong mahiya; sa halip ay magpasalamat kayo sa Diyos dahil tinatawag kayo sa pangalang ito. Dumating na ang panahong magsisimula na ang Diyos sa paghatol sa mga anak niya. At kung itoʼy magsisimula sa ating mga anak niya, ano kaya ang sasapitin ng mga hindi sumusunod sa Magandang Balita ng Diyos? Tulad ng sinasabi ng Kasulatan: “Kung ang mga matuwid ay hirap na makaligtas, ano pa kaya ang mangyayari sa mga makasalanan at hindi kumikilala sa Diyos?” Kaya kayong nagtitiis ngayon dahil sa kalooban ng Diyos, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti. Ipagkatiwala ninyo ang sarili nʼyo sa Diyos na lumikha sa inyo, dahil hinding-hindi niya kayo pababayaan.
1 Pedro 4:16-19 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't kung ang isang tao ay magbata na gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito. Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios: at kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios? At kung ang matuwid ay bahagya ng makaliligtas, ang masama at ang makasalanan ay saan kaya magsisiharap? Kaya't ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa kalooban ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang.
1 Pedro 4:16-19 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ngunit kung kayo'y magdusa dahil sa pagiging Cristiano, huwag ninyong ikahiya ito; sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos sapagkat taglay ninyo ang pangalan ni Cristo. Dumating na ang panahon ng paghuhukom, at ito'y magsisimula sa mga bayan ng Diyos. At kung sa atin ito magsisimula, ano kaya ang magiging wakas ng mga hindi sumusunod sa Magandang Balita ng Diyos? Tulad ng sinasabi ng kasulatan, “Kung ang taong matuwid ay napakahirap maligtas, ang di kumikilala sa Diyos, paano pa maliligtas?” Kaya nga, ang mga naghihirap dahil sa kalooban ng Diyos ay dapat magtiwala sa Lumikha, at magpatuloy sa paggawa ng mabuti. Ang Diyos ay laging tapat sa kanyang pangako.
1 Pedro 4:16-19 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)