1 Pedro 3:3-4
1 Pedro 3:3-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang inyong ganda ay huwag maging panlabas tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit. Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa mata ng Diyos.
1 Pedro 3:3-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Huwag ninyong pagkaabalahan ang kagandahang panlabas tulad ng pag-aayos ng buhok, pagsusuot ng mga alahas na palamuti sa katawan, at pagsusuot ng mamahaling mga kasuotan. Sa halip, pagandahin ninyo ang inyong kalooban, ang mabuting pag-uugali na hindi nagbabago. Maging mahinahon kayo at maging mabait. Ito ang mahalaga sa paningin ng Diyos.
1 Pedro 3:3-4 Ang Biblia (TLAB)
Na huwag sa labas ang kanilang paggayak na gaya ng pagpapahiyas ng buhok, at pagsusuot ng mga hiyas na ginto, o pagbibihis ng maringal na damit; Kundi ang pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Dios.
1 Pedro 3:3-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang inyong ganda ay huwag maging panlabas tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit. Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa mata ng Diyos.
1 Pedro 3:3-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)