1 Pedro 3:12-13 - Compare All Versions
1 Pedro 3:12-13 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon, sa kanilang pagdaing, siya'y nakikinig, ngunit sa mga masasama, siya'y tumatalikod!” At sino naman ang gagawa sa inyo ng masama kung wala kayong hinahangad kundi pawang kabutihan?
1 Pedro 3:12-13 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sapagkat iniingatan ng Panginoon ang matuwid, at sinasagot niya ang kanilang mga panalangin, ngunit galit siya sa mga gumagawa ng masama.” Sino ang mananakit sa inyo kung masigasig kayong gumagawa ng mabuti?
1 Pedro 3:12-13 TLAB (Ang Biblia)
Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid, At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing: Nguni't ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama. At sino ang sa inyo ay aapi, kung kayo'y mapagmalasakit sa mabuti?
1 Pedro 3:12-13 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon, sa kanilang pagdaing, siya'y nakikinig, ngunit sa mga masasama, siya'y tumatalikod!” At sino naman ang gagawa sa inyo ng masama kung wala kayong hinahangad kundi pawang kabutihan?
1 Pedro 3:12-13 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))