Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Hari 7:30 - Compare All Versions

1 Mga Hari 7:30 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Ang bawat patungan ay may apat na gulong na tanso at mga eheng tanso. Sa apat na sulok ng patungan ay may apat na tukod na tanso na siyang patungan ng hugasan.

1 Mga Hari 7:30-31 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ang bawat kariton ay may apat na tansong gulong at mga tansong ehe. Sa bawat sulok ng mga kariton ay may tukod na humahawak sa pabilog na patungan ng tansong planggana. Ang mga tukod ay napapalamutian ng parang mga bulaklak na kabit-kabit. Ang pabilog na patungan ay nakaangat ng isaʼt kalahating talampakan sa ibabaw ng kariton, at ang luwang ng bunganga ay dalawang talampakan at tatlong pulgada. Ang paligid ng ilalim ay may mga inukit na palamuti. Ang dingding ng kariton ay kuwadrado, hindi pabilog.

1 Mga Hari 7:30 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Ang bawat patungan ay may apat na gulong na tanso at mga eheng tanso. Sa apat na sulok ng patungan ay may apat na tukod na tanso na siyang patungan ng hugasan.

1 Mga Hari 7:30 TLAB (Ang Biblia)

At bawa't patungan ay may apat na gulong na tanso, at mga ejeng tanso: at ang apat na paa niyao'y may mga lapatan: sa ilalim ng hugasan ay may mga lapatan na binubo, na may mga tirintas sa siping ng bawa't isa.

1 Mga Hari 7:30 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))