1 Mga Hari 21:20
1 Mga Hari 21:20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ni Ahab kay Elias, “Nakita mo na naman ako, aking kaaway.” Sagot naman sa kanya ni Elias, “Hinanap kita muli sapagkat nalulong ka na sa paggawa ng masama sa paningin ni Yahweh!
1 Mga Hari 21:20 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkakita ni Ahab kay Elias, sinabi niya, “Natagpuan din ako ng kaaway ko!” Sumagot si Elias, “Oo, pumunta ako sa iyo dahil ipinagbili mo ang iyong sarili sa paggawa ng masama sa paningin ng PANGINOON!
1 Mga Hari 21:20 Ang Biblia (TLAB)
At sinabi ni Achab kay Elias, Nasumpungan mo ba ako, Oh aking kaaway? At sumagot siya, Nasumpungan kita: sapagka't ikaw ay napabili upang gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon.