1 Juan 5:4-6
1 Juan 5:4-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
sapagkat napagtagumpayan na ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya. Sino ang nagtatagumpay laban sa sanlibutan? Ang sinumang sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos. Si Jesu-Cristo ang naparito sa pamamagitan ng tubig at ng dugo. Hindi sa pamamagitan ng tubig lamang kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo. Ang Espiritu ang nagpapatotoo tungkol dito, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan.
1 Juan 5:4-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
dahil napagtatagumpayan ng bawat anak ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng pananampalataya. At sino nga ba ang nagtatagumpay laban sa mundo? Walang iba kundi ang sumasampalataya na si Hesus ang Anak ng Diyos. Si Hesu-Kristo ang pumarito sa mundo sa pamamagitan ng tubig nang magpabautismo siya at sa pamamagitan ng dugo nang mamatay siya. Hindi lang sa pamamagitan ng tubig, kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo. At ang mga bagay na itoʼy pinatotohanan sa atin ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan.
1 Juan 5:4-6 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya. At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay anak ng Dios? Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesucristo; hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo.
1 Juan 5:4-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
sapagkat napagtagumpayan na ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya. Sino ang nagtatagumpay laban sa sanlibutan? Ang sinumang sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos. Si Jesu-Cristo ang naparito sa pamamagitan ng tubig at ng dugo. Hindi sa pamamagitan ng tubig lamang kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo. Ang Espiritu ang nagpapatotoo tungkol dito, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan.
1 Juan 5:4-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)