1 Juan 4:13-15
1 Juan 4:13-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nalalaman nating nananatili tayo sa Diyos at siya naman sa atin, sapagkat pinagkalooban niya tayo ng kanyang Espiritu. Nakita namin at pinapatotohanang isinugo ng Ama ang kanyang Anak upang iligtas ang sanlibutan. Ang nagpapahayag na si Jesus ang Anak ng Diyos ay nananahan sa Diyos, at ang Diyos nama'y nananahan sa kanya.

1 Juan 4:13-15 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sa ganito natin nalalamang tayoʼy nananatili sa Diyos at siya naman sa atin: Ibinigay niya sa atin ang kanyang Espiritu. Nakita namin at nagpapatotoo kami na isinugo ng Ama ang kanyang anak bilang Tagapagligtas ng sanlibutan. Ang sinumang kumikilala na si Hesus ay Anak ng Diyos, ang Diyos ay nananatili sa kanila at sila naman sa Diyos.
1 Juan 4:13-15 Ang Biblia (TLAB)
Dito'y nakikilala natin na tayo'y nangananahan sa kaniya at siya'y sa atin, sapagka't binigyan niya tayo ng kaniyang Espiritu. At nakita natin at sinasaksihan na sinugo ng Ama ang Anak upang maging Tagapagligtas ng sanglibutan. Ang sinomang nagpapahayag na si Jesus ay Anak ng Dios, ang Dios ay nananahan sa kaniya, at siya'y sa Dios.
1 Juan 4:13-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nalalaman nating nananatili tayo sa Diyos at siya naman sa atin, sapagkat pinagkalooban niya tayo ng kanyang Espiritu. Nakita namin at pinapatotohanang isinugo ng Ama ang kanyang Anak upang iligtas ang sanlibutan. Ang nagpapahayag na si Jesus ang Anak ng Diyos ay nananahan sa Diyos, at ang Diyos nama'y nananahan sa kanya.
1 Juan 4:13-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)