1 Juan 4:1-6
1 Juan 4:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga minamahal, huwag ninyong paniniwalaan kaagad ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin muna ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito. Ito ang palatandaan na ang Espiritu ng Diyos nga ang nasa kanila: kung ipinapahayag nila na si Jesu-Cristo ay naging tao. Kung hindi gayon ang kanilang ipinapahayag tungkol kay Jesus, hindi mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila. Ang espiritu ng anti-Cristo ang nasa kanila. Nasabi na sa inyong ito'y darating at ngayon nga'y nasa daigdig na. Mga anak, kayo nga'y sa Diyos na at napagtagumpayan na ninyo ang mga huwad na propeta, sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan. Sila'y makasanlibutan, kaya't mula rin sa sanlibutan ang itinuturo nila, at nakikinig sa kanila ang mga makasanlibutan. Ngunit tayo'y sa Diyos. Ang sinumang kumikilala sa Diyos ay nakikinig sa atin; ngunit hindi nakikinig sa atin ang sinumang hindi sa Diyos. Sa ganito nga natin nakikilala ang Espiritu ng katotohanan at ang espiritu ng kasinungalingan.
1 Juan 4:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

1 Juan 4:1-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mga minamahal, huwag kayong maniwala agad sa mga taong nagsasabing mula sa Espiritu ng Diyos ang ipinapahayag nila. Sa halip, subukin muna ninyo kung nagmula nga sa Espiritu ang ipinapahayag nila, sapagkat marami nang bulaang propetang naglipana sa mundo. Sa ganitong paraan ninyo malalaman kung nasa kanila ang Espiritu ng Diyos: Kapag kinikilala nilang si Hesu-Kristoʼy nagkatawang-tao, sila ay mula sa Diyos. Ngunit kung hindi nila kinikilala na si Hesus ay nagkatawang-tao, hindi ang Diyos ang nagsugo sa kanila kundi ang espiritu ng anti-Kristo na narinig ninyong darating, at naririto na nga ito sa mundo. Mga minamahal kong anak, kayoʼy sa Diyos at napagtagumpayan na ninyo ang mga bulaang propeta, dahil ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa sa espiritung naghahari ngayon sa mundo. Silaʼy makamundo, kaya makamundong bagay din ang kanilang sinasabi, at pinakikinggan naman sila ng mundo. Subalit tayoʼy sa Diyos. Ang mga kumikilala sa Diyos ay nakikinig sa mga sinasabi natin, ngunit ang mga hindi kumikilala sa Diyos ay hindi nakikinig sa atin. Sa ganito natin nakikilala kung ang nasa kanila ay ang Espiritu ng katotohanan o ang espiritu ng kasinungalingan.
1 Juan 4:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan. Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios: At ang bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo'y nasa sanglibutan na. Kayo'y sa Dios, mumunti kong mga anak, at inyong dinaig sila: sapagka't lalong dakila siyang nasa inyo kay sa nasa sanglibutan. Sila'y sa sanglibutan: kaya't tungkol sa sanglibutan ang sinasalita nila, at sila'y dinidinig ng sanglibutan. Tayo nga'y sa Dios: ang nakakakilala sa Dios ay dumirinig sa atin; ang hindi sa Dios ay hindi dumirinig sa atin. Dito'y ating nakikilala ang espiritu ng katotohanan, at ang espiritu ng kamalian.
1 Juan 4:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mga minamahal, huwag ninyong paniniwalaan kaagad ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin muna ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito. Ito ang palatandaan na ang Espiritu ng Diyos nga ang nasa kanila: kung ipinapahayag nila na si Jesu-Cristo ay naging tao. Kung hindi gayon ang kanilang ipinapahayag tungkol kay Jesus, hindi mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila. Ang espiritu ng anti-Cristo ang nasa kanila. Nasabi na sa inyong ito'y darating at ngayon nga'y nasa daigdig na. Mga anak, kayo nga'y sa Diyos na at napagtagumpayan na ninyo ang mga huwad na propeta, sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan. Sila'y makasanlibutan, kaya't mula rin sa sanlibutan ang itinuturo nila, at nakikinig sa kanila ang mga makasanlibutan. Ngunit tayo'y sa Diyos. Ang sinumang kumikilala sa Diyos ay nakikinig sa atin; ngunit hindi nakikinig sa atin ang sinumang hindi sa Diyos. Sa ganito nga natin nakikilala ang Espiritu ng katotohanan at ang espiritu ng kasinungalingan.
1 Juan 4:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)