1 Juan 3:16-18
1 Juan 3:16-18 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sa ganitong paraan natin nalalaman ang tunay na pag-ibig: Inialay ni Hesu-Kristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya dapat din nating ialay ang ating buhay para sa ating mga kapatid. Kung sinuman ang nasa maayos na pamumuhay at nakikita ang isang kapatid na nangangailangan ngunit hindi naman niya ito tinutulungan, masasabi ba nating sumasakanya ang pag-ibig ng Diyos? Mga minamahal kong anak, huwag tayong magmahal sa salita lamang; sa halip ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahal.
1 Juan 3:16-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dito natin nakikilala ang tunay na pag-ibig: inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya't dapat din nating ialay ang ating buhay para sa kapatiran. Kapag nakikita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at hindi niya ito tinulungan, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos? Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan lamang ng salita, subalit ipakita rin natin ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng gawa.
1 Juan 3:16-18 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sa ganitong paraan natin nalalaman ang tunay na pag-ibig: Inialay ni Hesu-Kristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya dapat din nating ialay ang ating buhay para sa ating mga kapatid. Kung sinuman ang nasa maayos na pamumuhay at nakikita ang isang kapatid na nangangailangan ngunit hindi naman niya ito tinutulungan, masasabi ba nating sumasakanya ang pag-ibig ng Diyos? Mga minamahal kong anak, huwag tayong magmahal sa salita lamang; sa halip ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahal.
1 Juan 3:16-18 Ang Biblia (TLAB)
Dito'y nakikilala natin ang pagibig, sapagka't kaniyang ibinigay ang kaniyang buhay dahil sa atin; at nararapat nating ibigay ang ating mga buhay dahil sa mga kapatid. Datapuwa't ang sinomang mayroong mga pag-aari sa sanglibutang ito, at nakikita ang kaniyang kapatid na nangangailangan, at doo'y ipagkait ang kaniyang awa, paanong mananahan ang pagibig ng Dios sa kaniya? Mumunti kong mga anak, huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan.
1 Juan 3:16-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dito natin nakikilala ang tunay na pag-ibig: inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya't dapat din nating ialay ang ating buhay para sa kapatiran. Kapag nakikita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at hindi niya ito tinulungan, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos? Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan lamang ng salita, subalit ipakita rin natin ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng gawa.
1 Juan 3:16-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Dito'y nakikilala natin ang pagibig, sapagka't kaniyang ibinigay ang kaniyang buhay dahil sa atin; at nararapat nating ibigay ang ating mga buhay dahil sa mga kapatid. Datapuwa't ang sinomang mayroong mga pagaari sa sanglibutang ito, at nakikita ang kaniyang kapatid na nangangailangan, at doo'y ipagkait ang kaniyang awa, paanong mananahan ang pagibig ng Dios sa kaniya? Mumunti kong mga anak, huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan.