1 Juan 2:12-14
1 Juan 2:12-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat pinatawad na ang inyong mga kasalanan dahil sa kanyang pangalan. Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat nakikilala ninyo siya na sa simula pa'y siya na. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat napagtagumpayan na ninyo ang Masama. Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat nakikilala ninyo ang Ama. Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat nakikilala ninyo siya na sa simula pa'y siya na. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat malalakas kayo; nananatili sa inyo ang salita ng Diyos, at tinalo na ninyo ang Masama.
1 Juan 2:12-14 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat pinatawad na ang inyong mga kasalanan alang-alang sa kanyang pangalan. Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat kilala nʼyo siya na naroon na mula sa pasimula. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat napagtagumpayan ninyo si Satanas. Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat kilala nʼyo na ang Ama. Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat kilala nʼyo siya na naroon na mula sa pasimula. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat matatag ang inyong pananampalataya. Nananatili sa inyo ang salita ng Diyos, at napagtagumpayan ninyo si Satanas.
1 Juan 2:12-14 Ang Biblia (TLAB)
Kayo'y sinusulatan ko, mumunti kong mga anak, sapagka't ipinatawad sa inyo ang inyong mga kasalanan dahil sa kaniyang pangalan. Kayo'y sinusulatan ko, mga ama, sapagka't inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula ay siya na. Kayo'y sinusulatan ko, mga binata, sapagka't inyong dinaig ang masama. Kayo'y aking sinulatan, mumunting mga anak, sapagka't inyong nakikilala ang Ama. Kayo'y aking sinulatan, mga ama, sapagka't inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula ay siya na. Kayo'y aking sinulatan, mga binata, sapagka't kayo'y malalakas, at ang salita ng Dios ay nananahan sa inyo, at inyong dinaig ang masama.
1 Juan 2:12-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat pinatawad na ang inyong mga kasalanan dahil sa kanyang pangalan. Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat nakikilala ninyo siya na sa simula pa'y siya na. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat napagtagumpayan na ninyo ang Masama. Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat nakikilala ninyo ang Ama. Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat nakikilala ninyo siya na sa simula pa'y siya na. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat malalakas kayo; nananatili sa inyo ang salita ng Diyos, at tinalo na ninyo ang Masama.
1 Juan 2:12-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)