1 Mga Taga-Corinto 4:1-3 - Compare All Versions
1 Mga Taga-Corinto 4:1-3 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Dapat ninyong kilalanin na kami'y mga lingkod ni Cristo at katiwala ng mga hiwaga ng Diyos. Ang katiwala'y kailangang maging tapat sa kanyang panginoon. Walang anuman sa akin kung ako'y hatulan ninyo, o ng alinmang hukuman ng tao; ako man ay hindi humahatol sa aking sarili.
1 Mga Taga-Corinto 4:1-3 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Kaya dapat ituring ninyo kami ni Apolos bilang mga lingkod ni Kristo na pinagkatiwalaan ng Diyos na mangaral ng katotohanang inilihim niya. At ang katiwalaʼy dapat maging tapat. Hindi mahalaga sa akin kung ano ang iniisip ninyo o ng sinuman tungkol sa akin, ni hindi ko rin hinahatulan ang sarili ko.
1 Mga Taga-Corinto 4:1-3 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Dapat ninyong kilalanin na kami'y mga lingkod ni Cristo at katiwala ng mga hiwaga ng Diyos. Ang katiwala'y kailangang maging tapat sa kanyang panginoon. Walang anuman sa akin kung ako'y hatulan ninyo, o ng alinmang hukuman ng tao; ako man ay hindi humahatol sa aking sarili.
1 Mga Taga-Corinto 4:1-3 TLAB (Ang Biblia)
Ipalagay nga kami ng sinoman na mga ministro ni Cristo, at mga katiwala ng mga hiwaga ng Dios. Bukod dito'y kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawa't isa ay maging tapat. Datapuwa't sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako'y siyasatin ninyo, o ng pagsisiyasat ng tao: oo, ako'y hindi nagsisiyasat sa aking sarili.
1 Mga Taga-Corinto 4:1-3 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))