1 Mga Taga-Corinto 2:9
1 Mga Taga-Corinto 2:9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ganito nga ang sinasabi ng Kasulatan, “Wala pang taong nakakita, nakarinig, o nakaisip sa mga bagay na inihanda ng Dios para sa mga nagmamahal sa kanya.”
1 Mga Taga-Corinto 2:9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Subalit tulad ng nasusulat, “Hindi pa nakikita ng mata, o naririnig ng tainga, ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.”
1 Mga Taga-Corinto 2:9 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao, Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya.
1 Mga Taga-Corinto 2:9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Subalit tulad ng nasusulat, “Hindi pa nakikita ng mata, o naririnig ng tainga, ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.”