1 Mga Taga-Corinto 2:1-4
1 Mga Taga-Corinto 2:1-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mga kapatid, nang pumunta ako diyan para ipahayag ang lihim na plano ng Diyos, hindi ako gumamit ng malalalim na pananalita o karunungan. Sapagkat ipinasya ko na wala akong ipangangaral sa inyo kundi si Hesu-Kristo lamang at ang kanyang pagkapako sa krus. Pumunta ako diyan na may kahinaan, at nanginginig pa sa takot. At nang mangaral ako sa inyo, hindi ako gumamit ng matatamis na pananalita batay sa karunungan ng tao para kumbinsihin kayo. Sa halip, pinatunayan ng Espiritu ang aking pangangaral sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan
1 Mga Taga-Corinto 2:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga kapatid, nang ako'y pumunta riyan, ipinahayag ko sa inyo ang hiwaga ng Diyos hindi sa pamamagitan ng kahusayan ng pananalita o ng malawak na karunungan. Sapagkat noong ako'y nariyan, ipinasya kong walang sinumang kilalanin maliban kay Jesu-Cristo na ipinako sa krus. Noong ako'y nariyan, ako'y nanghihina at nanginginig sa takot. Sa aking pananalita at pangangaral ay hindi ko sinubukang hikayatin kayo sa pamamagitan ng mahuhusay na talumpati at karunungan ng tao. Subalit nangaral ako sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu
1 Mga Taga-Corinto 2:1-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mga kapatid, nang pumunta ako diyan para ipahayag ang lihim na plano ng Diyos, hindi ako gumamit ng malalalim na pananalita o karunungan. Sapagkat ipinasya ko na wala akong ipangangaral sa inyo kundi si Hesu-Kristo lamang at ang kanyang pagkapako sa krus. Pumunta ako diyan na may kahinaan, at nanginginig pa sa takot. At nang mangaral ako sa inyo, hindi ako gumamit ng matatamis na pananalita batay sa karunungan ng tao para kumbinsihin kayo. Sa halip, pinatunayan ng Espiritu ang aking pangangaral sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan
1 Mga Taga-Corinto 2:1-4 Ang Biblia (TLAB)
At ako, mga kapatid, nang pumariyan sa inyo, ay hindi ako napariyan na may kagalingan sa pananalita o sa karunungan, na nagbabalita sa inyo ng patotoo ng Dios. Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus. At ako'y nakisama sa inyo na may kahinaan, at may katakutan, at may lubhang panginginig. At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan
1 Mga Taga-Corinto 2:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mga kapatid, nang ako'y pumunta riyan, ipinahayag ko sa inyo ang hiwaga ng Diyos hindi sa pamamagitan ng kahusayan ng pananalita o ng malawak na karunungan. Sapagkat noong ako'y nariyan, ipinasya kong walang sinumang kilalanin maliban kay Jesu-Cristo na ipinako sa krus. Noong ako'y nariyan, ako'y nanghihina at nanginginig sa takot. Sa aking pananalita at pangangaral ay hindi ko sinubukang hikayatin kayo sa pamamagitan ng mahuhusay na talumpati at karunungan ng tao. Subalit nangaral ako sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu
1 Mga Taga-Corinto 2:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)