1 Mga Taga-Corinto 14:3
1 Mga Taga-Corinto 14:3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa kabilang dako, ang nagpapahayag naman ng mensaheng mula sa Diyos ay nagsasalita sa mga tao upang patibayin ang kanilang pananampalataya, palakasin ang kanilang loob, at sila'y aliwin.
1 Mga Taga-Corinto 14:3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngunit ang taong nagpapahayag ng propesiya ay nagsasalita sa mga tao para silaʼy patibayin, palakasin ng loob at aliwin.
1 Mga Taga-Corinto 14:3 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't ang nanghuhula ay nagsasalita sa mga tao sa ikatitibay, at sa ikapangangaral, at sa ikaaaliw.