1 Mga Taga-Corinto 12:7-10
1 Mga Taga-Corinto 12:7-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Para sa ikabubuti ng lahat, ang bawat isa'y binigyan ng kaloob na nagpapakitang nasa kanya ang Espiritu. Ang ilan sa atin napagkalooban ng kakayahang magsalita ng mensahe ng karunungan. Ang iba naman ay pinagkalooban ng katalinuhan. Subalit iisang Espiritu ang nagkakaloob nito. Ang Espiritu ring iyon ang nagkakaloob sa iba ng pananampalataya sa Diyos, at sa iba'y ang kapangyarihang magpagaling sa mga maysakit. May pinagkalooban ng kapangyarihang gumawa ng mga himala; may pinagkalooban din ng kakayahang magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, at may pinagkalooban naman ng kakayahang malaman kung aling kaloob ang mula sa Espiritu at kung alin ang hindi. May pinagkalooban ng kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, at sa iba naman ay ang magpaliwanag ng mga wikang iyon.
1 Mga Taga-Corinto 12:7-10 Ang Salita ng Diyos (ASD)
May mga kakayahang ipinagkaloob sa bawat isa sa atin na nagpapakita na nasa atin ang Espiritu, at ang mga itoʼy palaging para sa kapakinabangan ng buong iglesya. Sa isaʼy ipinagkaloob ng Espiritu ang kakayahang magsalita nang may karunungan, at sa isa naman ay ang kakayahang magpaliwanag nang may kaalaman. Ang ibaʼy pinagkalooban ng dakilang pananampalataya sa Diyos, at ang iba naman ay binigyan ng kakayahang magpagaling ng mga maysakit. Galing sa iisang Espiritu ang lahat ng ito. Ang ibaʼy pinagkalooban ng kapangyarihang gumawa ng mga himala, at ang iba namaʼy binigyan ng kakayahang magpropesiya. Mayroon namang pinagkalooban ng kakayahang makilala kung alin ang galing sa Espiritu. Sa ibaʼy ipinagkaloob ang kakayahang magsalita sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan, at sa iba naman ay ang kakayahang maipaliwanag ang sinasabi sa mga wikang iyon.
1 Mga Taga-Corinto 12:7-10 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't sa bawa't isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman. Sapagka't sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng karunungan; at sa iba'y ang salita ng kaalaman ayon din sa Espiritu: Sa iba'y ang pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang mga kaloob na pagpapagaling, sa iisang Espiritu. At sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang iba't ibang wika; at sa iba'y ang pagpapaliwanag ng mga wika.
1 Mga Taga-Corinto 12:7-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Para sa ikabubuti ng lahat, ang bawat isa'y binigyan ng kaloob na nagpapakitang nasa kanya ang Espiritu. Ang ilan sa atin napagkalooban ng kakayahang magsalita ng mensahe ng karunungan. Ang iba naman ay pinagkalooban ng katalinuhan. Subalit iisang Espiritu ang nagkakaloob nito. Ang Espiritu ring iyon ang nagkakaloob sa iba ng pananampalataya sa Diyos, at sa iba'y ang kapangyarihang magpagaling sa mga maysakit. May pinagkalooban ng kapangyarihang gumawa ng mga himala; may pinagkalooban din ng kakayahang magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, at may pinagkalooban naman ng kakayahang malaman kung aling kaloob ang mula sa Espiritu at kung alin ang hindi. May pinagkalooban ng kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, at sa iba naman ay ang magpaliwanag ng mga wikang iyon.
1 Mga Taga-Corinto 12:7-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)