1 Mga Taga-Corinto 12:1-7
1 Mga Taga-Corinto 12:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga kapatid, ngayon, tungkol naman sa mga kaloob ng Espiritu Santo, nais kong magkaroon kayo ng wastong kaalaman. Alam ninyo na noong hindi pa kayo sumasampalataya, kayo'y napapaniwala sa kung anu-anong mga diyus-diyosan na di naman nakakapagsalita. Kaya't nais kong malaman ninyo na walang taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ang magsasabing, “Sumpain si Jesus!” At hindi rin masasabi ninuman, “Si Jesus ay Panginoon,” kung siya'y hindi pinapatnubayan ng Espiritu Santo. Iba't iba ang mga espiritwal na kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito. Iba't iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. Iba't iba ang mga gawaing iniatas, ngunit iisa lamang ang Diyos na kumikilos sa mga taong gumagawa ng mga iyon. Para sa ikabubuti ng lahat, ang bawat isa'y binigyan ng kaloob na nagpapakitang nasa kanya ang Espiritu.
1 Mga Taga-Corinto 12:1-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngayon, mga kapatid, nais kong maunawaan ninyo ang tungkol sa mga kaloob ng Espiritu. Alam naman ninyo na noong hindi pa kayo nakakakilala sa Diyos, iniligaw kayo upang sumamba sa mga diyos-diyosang hindi naman nakakapagsalita. Kaya gusto kong malaman ninyo na walang taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ang magsasabi, “Sumpain si Hesus!” At wala ring taong makapagsasabi na, “Si Hesus ay Panginoon,” kung hindi siya pinapatnubayan ng Banal na Espiritu. May ibaʼt iba tayong kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung pinagmulan nito. May ibaʼt ibang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran natin. Mayroong ibaʼt ibang mga kakayahan upang magsagawa ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Diyos na nagbibigay ng lahat ng mga kakayahang ito. May mga kakayahang ipinagkaloob sa bawat isa sa atin na nagpapakita na nasa atin ang Espiritu, at ang mga itoʼy palaging para sa kapakinabangan ng buong iglesya.
1 Mga Taga-Corinto 12:1-7 Ang Biblia (TLAB)
Ngayong tungkol sa mga kaloob na ayon sa espiritu, mga kapatid, ay hindi ko ibig na hindi kayo makaalam. Nalalaman ninyo na nang kayo'y mga Gentil pa, ay iniligaw kayo sa mga piping diosdiosan, sa alin mang paraang pagkahatid sa inyo. Kaya't ipinatatalastas ko sa inyo, na wala sinomang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios ay nagsasabi, Si Jesus ay itinakwil; at wala sinoman ay makapagsasabi, Si Jesus ay Panginoon kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ngayo'y may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't iisang Espiritu. At may iba't ibang mga pangangasiwa, datapuwa't iisang Panginoon. At may iba't ibang paggawa, datapuwa't iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat. Datapuwa't sa bawa't isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman.
1 Mga Taga-Corinto 12:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mga kapatid, ngayon, tungkol naman sa mga kaloob ng Espiritu Santo, nais kong magkaroon kayo ng wastong kaalaman. Alam ninyo na noong hindi pa kayo sumasampalataya, kayo'y napapaniwala sa kung anu-anong mga diyus-diyosan na di naman nakakapagsalita. Kaya't nais kong malaman ninyo na walang taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ang magsasabing, “Sumpain si Jesus!” At hindi rin masasabi ninuman, “Si Jesus ay Panginoon,” kung siya'y hindi pinapatnubayan ng Espiritu Santo. Iba't iba ang mga espiritwal na kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito. Iba't iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. Iba't iba ang mga gawaing iniatas, ngunit iisa lamang ang Diyos na kumikilos sa mga taong gumagawa ng mga iyon. Para sa ikabubuti ng lahat, ang bawat isa'y binigyan ng kaloob na nagpapakitang nasa kanya ang Espiritu.
1 Mga Taga-Corinto 12:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)