1 Mga Cronica 10:9
1 Mga Cronica 10:9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hinubaran nila si Saul, pinugutan ng ulo at kinuha ang kanyang mga gamit-pandigma. Pagkatapos, nagpadala sila ng mga sugo sa buong lupain upang ibalita sa mga Filisteo at sa kanilang mga diyus-diyosan ang kanilang tagumpay.
1 Mga Cronica 10:9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kinuha nila ang mga armas ni Saul at pinutol ang ulo nito. Pagkatapos, nagsugo sila ng mga mensahero sa buong lupain ng Filisteo para ibalita sa kanilang mga dios-diosan at mga kababayan na patay na si Saul.
1 Mga Cronica 10:9 Ang Biblia (TLAB)
At hinubaran nila siya at kinuha ang kaniyang ulo, at ang kaniyang sandata, at ipinadala sa lupain ng mga Filisteo sa palibot, upang ibalita sa kanilang mga diosdiosan, at sa bayan.
1 Mga Cronica 10:9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)