Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 143

143
Panalangin Upang Tulungan ng Diyos
Awit ni David.
1Dinggin mo, O Yahweh, ang aking dalangin,
tapat ka't matuwid, kaya ako'y dinggin.
2Itong#Ro. 3:20; Ga. 2:16. iyong lingkod, huwag mo nang subukin,
batid mo nang lahat, kami ay salarin.
3Ako ay tinugis ng aking kaaway,
lubos na nilupig ng aking kalaban;
sa dilim na dako, ako ay nakulong,
tulad ko'y patay nang mahabang panahon.
4Ang kaluluwa ko'y halos sumuko na,
sapagkat ang buhay ko'y wala nang pag-asa.
5Araw na lumipas, aking nagunita,
at naalala ang iyong ginawa,
sa iyong kabutihan, ako ay namangha!
6Ako'y dumalangin na taas ang kamay,
parang tuyong lupa ang diwa kong uhaw. (Selah)#6 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
7Nawala nang lahat ang aking pag-asa,
kaya naman, Yahweh, ako'y dinggin mo na!
Kung ika'y magkubli, baka ang hantungan
ako ay ituring na malamig na bangkay,
at ang tunguhin ko'y madilim na hukay.
8Ako ay umasa, sa iyo nagtiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipagugunita
yaong pag-ibig mo na lubhang dakila.
Ang aking dalangin na sa iyo'y hibik,
patnubayan ako sa daang matuwid.
9Iligtas mo ako sa mga kalaban,
ikaw lang, O Yahweh, ang aking kanlungan.
10Ikaw ang aking Diyos, ako ay turuan
na aking masunod ang iyong kalooban;
ang Espiritu#10 ESPIRITU: o kaya'y kapangyarihan. mo'y maging aking tanglaw sa aking paglakad sa ligtas na daan.
11Ikaw ay nangakong ako'y ililigtas, pagkat dakila ka, iligtas mo agad;
iligtas mo ako sa mga bagabag.
12Dahilan sa iyong pagtingin sa akin, ang mga kaaway ko'y iyong lipulin;
ang nagpapahirap sa aki'y wasakin,
yamang ang lingkod mo ay iyong alipin.

Kasalukuyang Napili:

Mga Awit 143: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya