Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 61

61
Magandang Balita ng Kaligtasan
1Ang Espiritu#1 ESPIRITU: o kaya'y kapangyarihan. #Mt. 11:5; Lu. 7:22. #Lu. 4:18-19. ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako'y kanyang hinirang;
sinugo niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi,
upang pagalingin ang mga sugatang-puso,
upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila'y lalaya.
2Sinugo#Mt. 5:4. niya ako upang ipahayag
na darating na ang panahon ng pagliligtas ni Yahweh;
at ang paghihiganti ng Diyos laban sa kanyang mga kaaway;
sinugo niya ako upang aliwin ang mga nagluluksa;
3upang pasayahin ang mga tumatangis sa Zion,
kaligayahan sa halip na bigyan ng kapighatian,
awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan;
matutulad sila sa mga punong itinanim ni Yahweh,
na ginagawa kung ano ang makatuwiran,
at maluluwalhati ang Diyos dahil sa kanilang ginawa.
4Muli nilang itatayo ang mga sirang lunsod, na napakatagal nang wasak at tupok.
5Paglilingkuran kayo ng mga dayuhan,
at sila ang magpapastol ng inyong mga kawan;
mga dayuhan din ang magsasaka ng inyong lupain at mag-aalaga ng inyong ubasan.
6Ngunit kayo nama'y tatawaging mga pari ni Yahweh,
at makikilalang mga lingkod ng ating Diyos.
Pagpipistahan ninyo ang kayamanan ng mga bansa.
Ipagmamalaking inyo na ang karangyaang dati'y sa kanila.
7Sa halip na kahihiyan, ang bayan ko'y tatanggap ng kasaganaan.
Sa halip na paghamak, sila'y magsasaya sa kanilang minana,
magiging doble ang inyong kayamanan;
at ang inyong kagalaka'y magpasawalang hanggan.
8Ang sabi ni Yahweh:
“Ako'y namumuhi sa kasalanan at pang-aalipin; ang nais ko'y katarungan.
Gagantimpalaan ko ang mga taong tapat sa akin,
walang hanggang tipan ang aking gagawin para sa kanila.
9Ang lahi nila ay makikilala sa lahat ng bansa,
ang mga anak nila'y sisikat sa gitna ng madla;
sinumang makakita sa kanila ay makikilalang
sila ang aking bayang pinagpala.”
10Buong#Pah. 21:2. puso akong nagagalak kay Yahweh.
Dahil sa Diyos ako'y magpupuri sapagkat sinuotan niya ako ng damit ng kaligtasan, at balabal ng katuwiran,
gaya ng lalaking ikakasal na ang palamuti sa ulo'y magagandang bulaklak,
gaya ng babaing ikakasal na nakasuot ng mga alahas.
11Kung#Isa. 40:10; Pah. 22:12. paanong sa lupa'y sumisibol ang halaman, at sa hardin ay lumilitaw ang binhing itinanim,
ipapakita ng Panginoong Yahweh, ang kanyang katuwiran
at papuri sa harap ng lahat ng bansa.

Kasalukuyang Napili:

Isaias 61: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya