MGA AWIT 65
65
Sa Pangulong Manunugtog. Salmo. Awit ni David.
  1Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion:
At sa iyo'y maisasagawa ang panata.
  2Oh ikaw na dumidinig ng dalangin,
  #    
        Awit 86:9; Is. 66:23.   Sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman.
  3Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin:
Tungkol sa aming pagsalangsang, ay #Awit 51:2; Is. 6:7; Heb. 9:14; 1 Juan 1:7, 9. lilinisin mo.
  4  #    
        Awit 33:12.   Mapalad ang tao na #Awit 4:3. iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo,
  #    
        Awit 27:4.   Upang siya'y makatahan sa iyong mga looban:
  #    
        Awit 36:8.   Kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay,
Ng iyong banal na templo.
  5Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay,
Oh Dios ng aming kaligtasan;
Ikaw na katiwalaan ng #Awit 22:27. lahat na wakas ng lupa,
At nila na malayo sa dagat:
  6Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan;
Palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan:
  7  #    
        Awit 89:9; Mat. 8:26.   Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat,
Ng hugong ng kanilang mga alon,
  #    
        Awit 76:10.   At ng kaingay ng mga bayan.
  8Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda:
Ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
  9  #    
        Deut. 11:12.   Iyong dinadalaw ang lupa, at #Awit 68:9, 10; Jer. 5:24. dinidilig mo,
Iyong pinayayamang mainam;
  #    
        Awit 46:4.   Ang ilog ng Dios ay puno ng tubig:
Iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa.
  10Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana;
Iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal;
Iyong mga pinalalambot ng ambon;
Iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
  11Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan;
At ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
  12Nagsisipatak sa mga #Jer. 9:10. pastulan sa ilang;
At ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.
  13Ang mga#65:13 Is. 55:12. pastulan ay nangabihisan ng mga kawan;
Ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo;
Sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.
      Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 65: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: