Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 11

11
Salmo 11
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.
1Sa Panginoon ako kumakanlong.
Ngunit sinasabi ninyo sa akin,
“Tumakas ka papuntang kabundukan,
lumipad kang tulad ng ibon.#11:1 Tumakas … ibon: Ito ang nasa Septuagint at Syriac. Sa Hebreo, Ibon, tumakas kayo sa inyong bundok.
2Inihanda na ng mga masasama
ang kanilang mga pana,
upang panain nang palihim
ang mga matutuwid.
3Ano ang magagawa ng mga matutuwid
kung ang batas na pundasyon ng bayan
ay wala nang halaga?”
4Ang Panginoon ay nasa kanyang Templo;
at nasa langit ang kanyang trono.
Tinitingnan niya at sinisiyasat
ang lahat ng tao.
5Sinisiyasat niya ang matutuwid
at masasamâ.
Ngunit siyaʼy napopoot sa mga malulupit.
6Pauulanan niya ng lumalagablab
na baga at asupre ang masasamâ;
at ipapadala niya ang mainit na hangin
na papaso sa kanila.
7Dahil ang Panginoon ay matuwid
at siyaʼy nalulugod sa mga gawang mabuti.
Kaya ang mga namumuhay nang tama
ay makakalapit sa kanya.#11:7 makakalapit sa kanya: Sa literal, makakakita sa mukha niya.

Kasalukuyang Napili:

Salmo 11: ASD

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in