2
Ang Pagkakaayos ng Kampo ng mga Israelita
1Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, 2“Magkakampo ang bawat lahi ng Israel sa ilalim ng kani-kanilang bandila, kasama ang sagisag ng kani-kanilang lipi. Kailangan nilang itayo ang mga tolda nila sa palibot ng Toldang Tipanan na nakaharap rito.”
3Sa gawing Silangan, sa dakong sinisikatan ng araw,
ang mga kabilang sa ilalim ng bandila ni Juda ay magkakampo ayon sa kani-kanilang pangkat. Ang pinuno ng lipi ni Juda ay si Naason na anak ni Aminadab. 4Nasa 74,600 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
5Ang magkakampo sa tabi niya ay ang tribo ni Isacar. Ang pinuno ng lipi ni Isacar ay si Netanel na anak ni Zuar. 6Nasa 54,400 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
7Kasunod niya ang tribo ni Zebulun, at ang kanilang pinuno ay si Eliab na anak ni Helon. 8Nasa 57,400 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
9Ang kabuuang bilang ng nasa ilalim ng bandila ni Juda ayon sa kani-kanilang pangkat ay 186,400. Sila ang mauuna kapag naglalakbay ang mga Israelita.
10Sa gawing timog naman,
ang mga kabilang sa ilalim ng bandila ni Ruben ay magkakampo ayon sa kani-kanilang pangkat. Ang pinuno ng lipi ni Ruben ay si Elizur na anak ni Sedeur. 11Nasa 46,500 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
12Ang magkakampo sa tabi niya ay ang tribo ni Simeon. Ang pinuno ng lipi ni Simeon ay si Selumiel na anak ni Zurishadai. 13Nasa 59,300 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
14Kasunod niya ang tribo ni Gad. Ang pinuno ng lipi ni Gad ay si Eliasaf na anak ni Deuel.#2:14 Sa ibang manuskrito, Reuel. 15Nasa 45,650 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
16Ang kabuuang bilang ng nasa ilalim ng bandila ni Ruben ay 151,450. Sila ang ikalawang pangkat kapag naglalakbay ang mga Israelita.
17Maglalakbay ang mga Levita na dala ang Toldang Tipanan mula sa gitna ng kampo. Ang lahat ng lipi ay maglalakbay nang magkakasunod gaya ng kanilang posisyon kapag nagkakampo sila. Bawat lipi ay nasa ilalim ng kani-kanilang bandila.
18Sa gawing kanluran,
ang mga kabilang sa ilalim ng bandila ni Efraim ay magkakampo ayon sa kani-kanilang pangkat. Ang pinuno ng lipi ni Efraim ay si Elisama na anak ni Amihud. 19Nasa 40,500 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
20Ang magkakampo sa tabi niya ay ang tribo ni Manases. Ang pinuno ng lipi ni Manase ay si Gamaliel na anak ni Pedazur. 21Nasa 32,200 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
22Kasunod niya ang tribo ni Benjamin. Ang pinuno ng lipi ni Benjamin ay si Abidan na anak ni Gideoni. 23Nasa 35,400 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
24Ang kabuuang bilang ng nasa ilalim ng bandila ni Efraim ayon sa kani-kanilang pangkat ay 108,100. Sila ang ikatlong pangkat kapag naglalakbay ang mga Israelita.
25Sa gawing hilaga,
ang mga kabilang sa ilalim ng bandila ni Dan ay magkakampo ayon sa kani-kanilang pangkat. Ang pinuno ng lipi ni Dan ay si Ahiezer na anak ni Amishadai. 26Nasa 62,700 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
27Ang magkakampo sa tabi niya ay ang tribo ni Asher. Ang pinuno ng lipi ni Asher ay si Pagiel na anak ni Ocran. 28Nasa 41,500 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
29Kasunod niya ang tribo ni Neftali. Ang pinuno ng lipi ni Neftali ay si Ahira na anak ni Enan. 30Nasa 53,400 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
31Ang kabuuang bilang ng nasa ilalim ng bandila ni Dan ay 157,600. Sila ang kahuli-hulihang pangkat kapag naglalakbay ang mga Israelita.
32Ang kabuuang bilang ng mga Israelita na naitala ayon sa kani-kanilang lipi ay 603,550 lahat. 33Ngunit hindi kasama rito ang mga Levita, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
34Kaya ginawa ng mga Israelita ang lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises. Ang bawat lahi ay nagkampo at naglakbay sa ilalim ng kani-kanilang bandila ayon sa kani-kanilang lahi at pamilya.