Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Leviticus 12

12
Seremonya ng Paglilinis ng Babaeng Kapapanganak
1Sinabi ng Panginoon kay Moises, 2“Sabihin mo sa mga Israelita: ‘Kung ang isang babae ay nanganak ng lalaki, siyaʼy ituturing na marumi#12:2 marumi: Ang ibig sabihin nito ay hindi siya maaaring makibahagi sa kanilang mga seremonyang panrelihiyon. Ganito rin sa talata 4|LEV 12:4. sa loob ng pitong araw, tulad nang panahong siya ay may buwanang dalaw. 3Sa ikawalong araw, tutuliin ang kanyang anak. 4Dahil sa siyaʼy dinudugo pa, maghihintay pa siya hanggang lumipas ang tatlumpuʼt tatlong araw bago siya ituring na malinis#12:4 ituring na malinis: Ang ibig sabihin nito ay maaari na siyang makibahagi sa kanilang seremonya. dahil sa dugo ng panganganak. Hindi siya maaaring humipo ng kahit anong bagay na sagrado at hindi siya maaaring pumunta sa santuwaryo hanggang sa matapos ang kanyang paglilinis. 5Kung babae ang anak niya, ituturing siyang marumi sa loob ng labing-apat na araw, tulad nang panahong siya ay siyaʼy may buwanang dalaw. Maghihintay pa siya ng 66 na araw bago siya ituring na malinis mula sa dugo ng panganganak.
6“ ‘Kapag tapos na ang mga araw ng kanyang paglilinis para sa anak na lalaki o babae, magdadala siya sa pari ng isang tupang may isang taóng gulang bilang handog na sinusunog at isang inakay na kalapati o batu-bato bilang handog para sa kasalanan; dadalhin niya ito sa may pintuan ng Toldang Tipanan. 7-8Ihahandog ito ng pari sa Panginoon para maalis ang kanyang karumihan dahil sa kanyang pagdurugo sa panganganak at magiging malinis siya.
“ ‘Kung hindi niya kayang maghandog ng tupa, maghahandog siya ng dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato. Ang isa ay bilang handog na sinusunog at ang isa ay bilang handog para sa kasalanan. Sa pamamagitan ng gagawing ito ng pari, maaalis ang karumihan niya at ituturing na siyang malinis. Ito ang mga tuntunin tungkol sa babaeng nanganak.’ ”

Kasalukuyang Napili:

Leviticus 12: ASD

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in