Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Leviticus 10

10
Namatay si Nadab at Abihu
1Ang dalawang anak ni Aaron na sina Nadab at Abihu ay kapwa kumuha ng lalagyan ng insenso. Nilagyan nila ito ng mga baga at insenso at inihandog sa Panginoon. Ngunit ang ginawa nilang itoʼy hindi ayon sa utos ng Panginoon, dahil iba ang apoy na kanilang ginamit para rito.#10:1 iba … rito: O iba ang pinagkunan nila ng apoy para rito. 2Kaya nagpadala ng apoy ang Panginoon at sinunog sila hanggang sa silaʼy mamatay sa harapan ng Panginoon.
3Sinabi ni Moises kay Aaron, “Iyan ang ibig sabihin ng Panginoon nang sabihin niya:
‘Malalaman ng mga lumalapit
sa akin#10:3 mga lumalapit sa akin: Maaaring ang tinutukoy nito ay ang mga pari.
na akoʼy banal;
Mapaparangalan ako
sa harapan ng lahat ng tao.’ ”
Hindi umimik si Aaron.
4Ipinatawag ni Moises sina Misael at Elzafan na mga lalaking anak ni Uziel na tiyuhin ni Aaron at sinabi niya sa kanila, “Kunin ninyo ang mga bangkay ng inyong mga pinsan sa santuwaryo#10:4 santuwaryo: Tingnan ang Exo. 25:8. at dalhin ninyo sa labas ng kampo.” 5Kaya kinuha nila ang mga bangkay, sa pamamagitan ng paghawak sa mga damit nito at dinala sa labas ng kampo ayon sa utos ni Moises.
6Pagkatapos, sinabi ni Moises kay Aaron at sa mga anak niyang sina Eleazar at Itamar, “Huwag ninyong guguluhin ang inyong buhok o pupunitin man ang inyong damit. Kapag ginawa ninyo iyon, pati kayo ay mamamatay at magagalit ang Panginoon sa lahat ng Israelita. Ngunit maaaring magluksa ang mga Israelitang kamag-anak ninyo para sa kanilang dalawa na sinunog ng Panginoon. 7Huwag muna kayong umalis sa pintuan ng Tolda. Mamamatay kayo kapag umalis kayo, dahil pinili kayo ng Panginoon para maging mga pari sa pamamagitan ng pagpahid sa inyo ng langis ng olibo.” At sinunod nila ang iniutos ni Moises.
8Sinabi ng Panginoon kay Aaron, 9“Ikaw at ang iyong mga anak ay hindi dapat uminom ng alak o ng anumang inuming nakakalasing kapag papasok sa Tolda. Kapag ginawa ninyo iyon, mamamatay kayo. Dapat ninyong sundin ang tuntuning ito, kayo at ng susunod pang mga henerasyon. 10Dapat ninyong malaman kung alin ang nauukol sa Panginoon at kung alin ang para sa lahat, kung alin ang malinis at marumi. 11Kinakailangang turuan ninyo ang kapwa ninyo Israelita tungkol sa lahat ng tuntuning ibinigay ko sa inyo sa pamamagitan ni Moises.”
12Sinabi ni Moises kay Aaron at sa dalawang anak niyang natitira na sina Eleazar at Itamar, “Kunin ninyo ang natirang handog na pagkaing butil mula sa mga handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon. Lutuin ninyo iyon nang walang pampaalsa at kainin ninyo malapit sa altar dahil napakabanal niyon. 13Kainin nʼyo ito sa may banal na lugar, dahil iyon ang inyong bahagi mula sa handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon. Ito ang iniutos sa akin ng Panginoon. 14Ngunit ang pitso at hita ng hayop na itinaas at inihandog sa Panginoon ay para saʼyo at sa iyong buong sambahayan. Kainin ninyo iyon sa lugar na itinuturing nating malinis. Itoʼy ibinibigay sa inyo bilang bahagi ninyo mula sa handog ng mga Israelita na handog pangkapayapaan. 15Kapag naghandog ang mga Israelita, ihandog nila ang pitso at hita ng hayop, pati na ang mga taba bilang handog sa pamamagitan ng apoy. Ang pitso at hita ay itataas nila sa Panginoon bilang handog na itinataas. Pagkatapos, ibibigay nila ito sa inyo dahil ito ang inyong bahagi sa handog. Itoʼy para sa inyo, at sa inyong mga angkan magpakailanman ayon sa iniutos ng Panginoon.”
16Nang siyasatin ni Moises ang tungkol sa kambing na handog para sa kasalanan,#10:16 Tingnan ang 9:15. napag-alaman niyang nasunog na itong lahat.#10:16 Ayon sa paraan ng paghahandog na makikita sa 6:25‑30, ang karne ng hayop ng handog na ito ay dapat kinakain ng mga pari. Kaya nagalit siya kina Eleazar at Itamar, na mga natitirang anak ni Aaron, at sinabihan sila, 17“Bakit hindi ninyo kinain ang handog para sa kasalanan sa may banal na lugar? Ang handog na iyon ay napakabanal, at iyon ay ibinigay ng Panginoon sa inyo para matubos ang mga tao sa kanilang mga kasalanan sa presensya ng Panginoon. 18Sapagkat ang dugo nito ay hindi dinala sa loob ng banal na lugar, kinain sana ninyo iyon doon sa santuwaryo, ayon sa sinabi ko sa inyo.”
19Ngunit sumagot si Aaron kay Moises, “Kanina, naghandog ang aking mga anak ng kanilang handog para sa kasalanan at handog na sinusunog, subalit namatay ang dalawa sa kanila#10:19 Inihandog ni Aaron at ng mga anak niya ang mga handog na ito noong hindi pa namamatay ang dalawang anak niya. (Tingnan ang 9:8‑16.). Sa nangyaring ito, matutuwa kaya ang Panginoon kung kinain ko ang handog para sa kasalanan ngayong araw?” 20Sumang-ayon si Moises sa sagot ni Aaron.

Kasalukuyang Napili:

Leviticus 10: ASD

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in