19
Ang Lupaing Ibinigay sa Lahi ni Simeon
1Ang ikalawang binigyan ng lupa ay ang sambahayan ng lahi ni Simeon. Ang lupaing ibinigay na mana nila ay nasa gitna ng lupaing ibinigay sa lahi ni Juda.
2Kasama sa bahagi nila ang Beer-seba (o Seba),#19:2 Beer-seba (o Seba): O Beer-seba, Seba. Molada, 3Hazar-sual, Bala, Ezem, 4Eltolad, Bethul, Horma, 5Ziklag, Bet-marcabot, Hazar-susa, 6Bet-lebaot at Sharuhen; labintatlong bayan kasama ang mga baryo sa paligid nito.
7Dagdag pa rito ang Ayin, Rimon, Eter at Asan; apat na lungsod, kasama ang mga baryong nasasakupan ng mga nito, 8at lahat ng mga baryo sa paligid ng mga lungsod na ito hanggang sa Baalat-beer (na siyang Rama) sa Negeb.
Ito ang lupaing natanggap ng lahi ni Simeon bilang mana nila na hinati-hati ayon sa bawat sambahayan. 9Ang ibang bahagi ng lupang ito ay galing sa parte ng lahi ni Juda dahil ang ibinigay sa kanila ay sobrang maluwang para sa kanila. Kaya natanggap ng lahi ni Simeon ang kanilang lupain sa gitna ng lupain ng lahi ni Juda.
Ang Lupaing Ibinigay sa Lahi ni Zebulun
10Ang ikatlong binigyan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Zebulun.
Ang hangganan ng lupain nila ay nagsimula sa Sarid. 11Mula roon, papunta ito sa kanluran: sa Marala, sa Dabeshet, at patuloy sa daluyan ng tubig sa silangan ng Jocneam. 12Mula sa kabilang bahagi ng Sarid, papunta ito sa silangan sa hangganan ng Kislot-tabor, at patuloy sa Daberat hanggang Jafia. 13Mula roon, papunta ito sa silangan sa Gat-hefer, sa Itcazin, sa Rimon at paliko papuntang Nea. 14Ang hangganan ng Zebulun sa hilaga ay dumaraan sa Hanaton at nagtatapos sa Lambak ng Ifta-el: 15Lahat ay labindalawang bayan, kasama ang mga baryo sa paligid nito. Kasama rin ang mga bayan ng Katat, Nahalal, Shimron, Idala at Bethlehem.
16Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Zebulun bilang mana nila na hinati ayon sa bawat sambahayan.
Ang Lupaing Ibinigay sa Lahi ni Isacar
17Ang ikaapat na binigyan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Isacar.
18Ito ang mga lungsod na sakop nila: Jezreel, Kesulot, Shunem, 19Hafaraim, Shion, Anaharat, 20Rabit, Kision, Ebez, 21Remet, En-ganim, En-hada at Bet-pazez. 22Ang hangganan ng lupain ay umaabot sa Tabor, Sahazuma at sa Bet-semes at nagtatapos sa Ilog Jordan; labing-anim na bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
23Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Isacar bilang mana nila na hinati ayon sa bawat sambahayan.
Ang Lupaing Ibinigay sa Lahi ni Asher
24Ang ikalimang binigyan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Asher.
25Ito ang mga bayan na sakop nila: Helkat, Hali, Beten, Acsaf, 26Alamelec, Amad at Mishal. Ang hangganan nitong lupain sa kanluran ay umaabot sa Carmel at Shihor Libnat, 27paliko ito pasilangan papuntang Bet-dagon at umaabot sa Zebulun at sa Lambak ng Ifta-el. Pagkatapos, papunta ito sa hilaga papuntang Bet-emec at Niel. Papunta pa ito sa hilaga hanggang Cabul, 28Ebron,#19:28 Ebron: O Abdon. Rehob, Hamon, Kana at hanggang sa Malaking Sidon. 29Pagkatapos, liliko ito patungong Rama at sa napapaderang bayan ng Tiro, at papuntang Hosa, at nagtatapos sa Dagat ng Mediteraneo. Ang iba pang mga bayan na sakop nila ay ang Mahalab, Aczib, 30Uma, Afek at Rehob; dalawampuʼt dalawang bayan lahat, kasama ang mga bayan sa paligid nito.
31Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Asher bilang mana nila na hinati ayon sa bawat sambahayan.
Ang Lupaing Ibinigay sa Lahi ni Neftali
32Ang ikaanim na binigyan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Neftali.
33Ang hangganan ng lupain nila ay nagsimula sa Helef at sa puno ng terebinto sa Zaananim papuntang Adami-nekeb at Jabneel hanggang sa Lakum, at nagtapos sa Ilog Jordan. 34Mula roon, paliko ito sa kanluran papuntang Aznot-tabor, pagkatapos sa Hucoc, hanggang sa hangganan ng Zebulun sa timog, sa hangganan ng Asher sa kanluran at sa Ilog Jordan#19:34 sa Ilog Jordan: Ito ang nasa tekstong Griego. Sa Hebreo, sa Juda, sa Ilog Jordan. sa silangan. 35Ang mga napapaderang lungsod na sakop ng lupaing ito ay ang: Zidim, Zer, Hamat, Rakat, Kineret, 36Adama, Rama, Hazor, 37Kedes, Edrei, En-hazor, 38Iron, Migdal-el, Horem, Bet-anat at Bet-semes; labing siyam na bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
39Iyon ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Neftali bilang mana nila na hinati ayon sa bawat sambahayan.
Ang Lupaing Ibinigay sa Angkan ni Dan
40Ang ikapitong binigyan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Dan.
41Ito ang mga bayan na sakop na mana nila: Zora, Estaol, Ir-semes, 42Saalabin, Ayalon, Itla, 43Elon, Timna, Ekron, 44Elteke, Gibeton, Baalat, 45Jehud, Bene-berak, Gat-rimon, 46Me Jarkon at Rakon, pati rin ang lupain na nakaharap sa Joppa. 47Nahirapan ang mga lahi ni Dan sa pag-agaw ng lupain nila, kaya nilusob nila ang Lesem#19:47 Lesem: O Laish. at pinatay ang mga naninirahan dito. Naagaw nila ito at doon sila tumira. Pinalitan nila ang pangalan nito ng Dan ayon sa pangalan ng ninuno nilang si Dan.
48Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Dan bilang mana nila na hinati ayon sa bawat sambahayan.
Ang Lupaing Ibinigay kay Josue
49Pagkatapos hatiin ng mga Israelita ang lupain nila, binigyan nila si Josue na anak ni Nun ng bahagi niya. 50Ayon sa iniutos ng Panginoon, ibinigay nila sa kanya ang bayan na hinihiling niya – ang Timnat Sera sa kabundukan ng Efraim. Ipinatayo niyang muli ang bayan at doon tumira. 51Ang naghati-hati ng lupain ay sina Eleazar na pari, Josue na anak ni Nun at ang mga pinuno ng bawat lahi ng Israel. Ginawa nila ito sa pamamagitan ng palabunutan sa presensya ng Panginoon, sa pintuan ng Toldang Tipanan doon sa Silo. Kaya natapos na ang paghahati ng lupain.