Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Jonas 2

2
Nanalangin si Jonas
1Nanalangin si Jonas sa Panginoon na kanyang Diyos sa loob ng tiyan ng isda. 2Sinabi niya,
Panginoon,
sa paghihirap ng aking kalooban
at kalagayan
humingi ako ng tulong sa inyo,
at sinagot nʼyo ako.
Sa bingit ng kamatayan,#2:2 bingit ng kamatayan: Sa literal, sa kailaliman ng lugar ng mga patay.
humingi ako ng tulong sa inyo,
at pinakinggan nʼyo ako.
3Inihagis nʼyo ako
sa pusod ng dagat.
Napalibutan ako ng tubig
at natabunan ng mga alon
na ipinadala ninyo.
4Pinalayas nʼyo ako sa inyong harapan,
ngunit umaasa pa rin ako
na makakalapit muli ako sa inyo
doon sa inyong banal na Templo.
5Lumubog po ako sa tubig
at halos malunod.
Natabunan ako ng tubig
at napuluputan ang ulo ko
ng mga halamang-dagat.
6Lumubog ako hanggang
sa pinakailalim ng dagat,
at parang ikinulong
sa kailaliman
ng lupa magpakailanman.
Ngunit kinuha nʼyo ako
sa kailalimang iyon,
O Panginoon kong Diyos.
7“Nang malapit na akong mamatay,#2:7 Nang malapit na akong mamatay: O Noong pagod na pagod na ako o Noong nawalan na ako ng pag-asa.
tumawag ako sa inyo, Panginoon,
at pinakinggan nʼyo ang dalangin ko
doon sa inyong banal na Templo.
8“Ang mga taong sumasamba
sa mga walang kuwentang
diyos-diyosan
ay hindi na tapat sa inyo.
9Ngunit maghahandog ako sa inyo
nang may awit ng pasasalamat.
Tutuparin ko ang pangako ko
na maghahandog sa inyo.
Kayo po, Panginoon,
ang nagliligtas.”
10Kaya inutusan ng Panginoon ang isda, at iniluwa nito si Jonas sa dalampasigan.

Kasalukuyang Napili:

Jonas 2: ASD

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in