Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Jeremias 45

45
Ang Mensahe para kay Baruc
1Noong ikaapat na taon ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Haring Josias ng Juda, isinulat ni Baruc na anak ni Nerias ang mga sinabi ni Propeta Jeremias sa kanya. 2Sinabi ni Jeremias, “Baruc, ito ang sinabi sa iyo ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: 3Sinabi mong nakakaawa ka, dahil dinagdagan ng Panginoon ang paghihirap mo. Pagod ka na sa pagdaing at wala kang kapahingahan! 4Ngunit ito ang sinasabi ng Panginoon na sabihin ko sa iyo, ‘Wawasakin ko ang bansang ito na itinayo ko. Bubunutin ko ang itinanim ko. At gagawin ko ito sa buong lupain. 5Huwag ka nang maghahangad pa ng mga dakilang bagay. Sapagkat pasasapitin ko ang kapahamakan sa lahat ng tao, pero ikaw ay ililigtas ko kahit saan ka pumunta. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”

Kasalukuyang Napili:

Jeremias 45: ASD

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in