Exodus 4:10-12
Exodus 4:10-12 ASD
Sinabi ni Moises, “Panginoon, hindi po ako magaling magsalita. Mula pa man noon, hirap na ako sa pagsasalita, kahit na ngayong nakikipag-usap kayo sa akin. Pautal-utal ako kapag nagsasalita.” Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Sino ba ang lumikha ng bibig ng tao? Sino ba ang may kakayahang gawing bingi o pipi ang tao? Sino ba ang nagdedesisyon na makakita o mabulag sila? Hindi ba ako, na Panginoon? Kaya lumakad ka, dahil tutulungan kita sa pagsasalita at ituturo ko sa iyo ang mga sasabihin mo.”



