Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Cronica 2

2
Ang mga Lalaking Anak ni Israel
1Ang mga lalaking anak ni Israel ay sina Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun, 2Dan, Jose, Benjamin, Neftali, Gad at Asher.
Ang Lahi ni Juda
3May tatlong anak na lalaki si Juda sa asawa niyang si Batshua na isang Cananeo. Silaʼy sina Er, Onan at Shela. Si Er ang panganay sa magkakapatid. Masama siya sa paningin ng Panginoon, kaya pinatay siya ng Panginoon. 4May mga anak pang lalaki si Juda kay Tamar na kanyang manugang. Silaʼy sina Peres at Zera. Lima lahat ang lalaking anak ni Juda.
5Ang mga lalaking anak ni Peres ay sina Hezron at Hamul.
6Ang mga lalaking anak ni Zera ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol at Darda#2:6 Darda: O Dara.. Lima silang lahat na anak ni Zera.
7Ang lalaking anak ni Carmi#2:7 Carmi: Maaaring siya ay anak ni Zimri. ay si Acar.#2:7 Acar: O Acan. Si Acar ang nagdala ng kasamaan sa Israel dahil kinuha niya ang mga bagay na inilaan nang buo#2:7 inilaan nang buo: Mga samsam na nakalaang sirain lahat bilang handog sa Diyos. para sa Diyos. 8Ang lalaking anak ni Etan ay si Azarias.
Ang Lahing Pinagmulan ni David
9Ang mga lalaking anak ni Hezron ay sina Jerameel, Ram at Caleb.#2:9 Caleb: Sa Hebreo, ay Kelubai.
10Si Ram ang ama ni Aminadab, at si Aminadab naman ang ama ni Naason na pinuno ng lahi ni Juda.
11Si Naason ang ama ni Salma.#2:11 Salma: Sa Hebreo, Salmon.
Si Salma ang ama ni Boaz.
12Si Boaz ang ama ni Obed.
Si Obed ang ama ni Jesse.
13Ang panganay na anak ni Jesse ay si Eliab, ang ikalawa namaʼy si Abinadab, at ang ikatlo ay si Simea, 14ang ikaapat ay si Netanel, ang ikalima ay si Radai, 15ang ikaanim ay si Ozem, at ang ikapito ay si David.
16Ang mga kapatid nilang babae ay sina Zeruias#2:16 Zeruias: O Zeruias. at Abigail. Si Zeruias ay may tatlong anak na lalaki na sina Abisai, Joab at Asahel. 17Ang asawa ni Abigail ay si Jeter na Ismaelita at may anak silang lalaki na si Amasa.
Ang Angkan ni Hezron
18Ang anak ni Hezron na si Caleb ay may mga anak sa asawa niyang si Azuba na tinatawag ding Jeriot.#2:18 na tinatawag ding Jeriot: O at anak na babaeng si Jeriot. Ang kanyang mga anak na lalaki ay sina Jeser, Sobab at Ardon. 19Pagkamatay ni Azuba, napangasawa ni Caleb si Efrata at nagkaanak sila ng lalaki na si Hur. 20Si Hur ang ama ni Uri, at si Uri ang ama ni Bezalel.
21Noong animnapung taóng gulang na si Hezron, napangasawa niya ang anak ni Maquir, ang kapatid na babae ni Gilead. Si Segub ang naging anak nila. 22Si Segub ang ama ni Jair, na namahala ng dalawampuʼt tatlong bayan sa Gilead. 23(Ngunit dumating ang panahon na inagaw nina Gesur at Aram ang mga bayan ni Jair#2:23 mga bayan ni Jair: O Havot Jair. at ang Kenat, pati ang animnapung bayan sa paligid nito.)
Silang lahat ang angkan ni Maquir na ama ni Gilead.
24Pagkamatay ni Hezron sa Caleb-efrata, isinilang ng kanyang asawang si Abias ang kanilang anak na si Asur na siyang ama ni Tekoa.
Ang Angkan ni Jerameel na Anak ni Hezron
25Ang mga lalaking anak ni Jerameel na panganay na anak ni Hezron ay sina Ram na panganay, ang mga sumunod na sina Buna, Orem, Ozem at Ahias. 26Si Jerameel ay may isa pang asawa na ang pangalan ay Atara. Siya ang ina ni Onam.
27Ang mga lalaking anak ni Ram na panganay ni Jerameel ay sina Maaz, Jamin at Equer.
28Ang mga lalaking anak ni Onam ay sina Samai at Jada.
Ang mga lalaking anak ni Samai ay sina Nadab at Abisur.
29Ang pangalan ng asawa ni Abisur ay Abihail. Ang kanilang anak na lalaki ay sina Ahban at Molid.
30Ang mga lalaking anak ni Nadab ay sina Seled at Apaim. Namatay si Seled na walang anak. 31Ang lalaking anak ni Apaim ay si Isi. Si Isi ang ama ni Sesan at si Sesan ang ama ni Ahlai.
32Ang mga lalaking anak ni Jada na kapatid ni Samai ay sina Jeter at Jonatan. Namatay si Jeter na walang anak. 33Ang mga lalaking anak ni Jonatan ay sina Pelet at Zaza.
Silang lahat ang angkan ni Jerameel.
34Walang anak na lalaki si Sesan kundi puro babae. May alipin siyang Ehipsiyo na ang pangalan ay Jarha. 35Ibinigay ni Sesan ang anak niyang babae kay Jarha bilang asawa. Nagkaanak sila na ang pangalan ay Atai.
36Si Atai ang ama ni Natan.
Si Natan ang ama ni Zabad.
37Si Zabad naman ang ama ni Eflal.
Si Eflal ang ama ni Obed.
38Si Obed ang ama ni Jehu.
Si Jehu ang ama ni Azarias.
39Si Azarias ang ama ni Helez.
Si Helez ang ama ni Eleasa.
40Si Eleasa ang ama ni Sismai.
Si Sismai ang ama ni Salum.
41Si Salum ang ama ni Jecamias.
Si Jecamias ang ama ni Elisama.
Ang Iba pang Angkan ni Caleb
42Ang panganay na lalaking anak ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na ama ni Zif. Ang ikalawa niyang anak ay si Maresa na ama ni Hebron.
43Ang mga lalaking anak ni Hebron ay sina Kora, Tapua, Requem at Sema. 44Si Sema ang ama ni Raham, at si Raham ang ama ni Jorqueam. Si Requem ang ama ni Samai, 45si Samai ang ama ni Maon, at si Maon ang ama ni Bet-sur.
46Ang asawang alipin ni Caleb na si Efa ang ina nina Haran, Moza at Gasez. Si Haran ang ama ni Gasez.
47Ang mga lalaking anak ni Jahdai ay sina Regem, Jotam, Gesam, Pelet, Efa at Saaf.
48Ang isa pang asawang alipin ni Caleb ay si Maaca. May mga anak silang lalaki na sina Seber at Tirhana. 49Si Saaf na ama ni Madmana at Seva na ama naman nina Macbena at Gibea. Ang anak na babae ni Caleb ay si Acsa.
50Ito lahat ang angkan ni Caleb.
Ang Angkan ni Hur na Anak ni Caleb
Ang mga anak ni Hur na panganay na lalaking anak ni Caleb kay Efrata ay sina Sobal na nagtatag ng Kiriat-jearim, 51si Salma na nagtatag ng Bethlehem, at si Haref na nagtatag ng Bet-gader.
52Ang angkan ni Sobal na nagtatag ng Kiriat-jearim ay ang mga Haroe, ang kalahati ng mga naninirahan sa Menuho,#2:52 Menuho: O Manahatita. 53at ang angkan ni Kiriat-jearim ay ang mga Itrita, Putita, Sumatita at Misraita. Sila ang pinagmulan ng mga Zorita at mga Estaolita.
54Ang angkan ni Salma ay ang mga taga-Bethlehem, mga taga-Netofa, mga taga-Atrot-bet-joab, ang kalahati ng mga Manahatita, at ang mga Zorita. 55Ang lahi ng mga Tiratita, Simatita at Sucatita na magagaling sumulat ng mga dokumento ay nakatira sa bayan ng Jabez. Sila ang mga Kenita na nagmula kay Hamat, na ama ng pamilya ni Bet-recab.#2:55 Recab: O Pinagmulan ng angkan ni Recab.

Kasalukuyang Napili:

1 Mga Cronica 2: ASD

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in