1
Zacarias 9:9
Ang Salita ng Diyos
ASD
“Magalak kayo, kayong mga mamamayan ng Zion! Sumigaw kayo sa tuwa, kayong nasa Jerusalem! Sapagkat ang inyong hari ay darating na. Matuwid siya at matagumpay. Mapagpakumbaba siya, at darating na nakasakay sa bisirong asno.
Paghambingin
I-explore Zacarias 9:9
2
Zacarias 9:10
Ipapaalis niya ang mga karwahe at mga kabayong pandigma sa Israel at sa Juda. Babaliin ang mga panang ginagamit sa digmaan. Ang haring darating ay magdadala ng kapayapaan sa mga bansa. Maghahari siya mula sa isang dagat hanggang sa isa pang dagat, at mula sa Ilog ng Eufrates hanggang sa dulo ng mundo.
I-explore Zacarias 9:10
3
Zacarias 9:16
Ililigtas sila ng PANGINOON na kanilang Diyos sa araw na iyon bilang kanyang kawan. Magniningning sila sa lupain katulad ng mga mamahaling batong kumikislap sa korona.
I-explore Zacarias 9:16
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas