Ang bawat isa sa apat na buháy na nilalang ay may tig-aanim na pakpak at punong-puno ng mga mata sa palibot maging sa ilalim nila. Araw-gabiʼy walang tigil silang nagsasabi ng:
“Banal ang Panginoong Diyos!
Siyaʼy lubos na banal!
Siya ang Makapangyarihan sa lahat.
Siya ang Diyos noon, ngayon, at bukas.”