1
Mga Bilang 20:12
Ang Salita ng Diyos
ASD
Ngunit sinabi ng PANGINOON kina Moises at Aaron, “Dahil sa hindi kayo naniwala sa akin na ipapakita ko sa inyo ang aking kabanalan sa harap ng mga Israelita, hindi kayo ang mamumuno sa pagdadala ng mga mamamayang ito sa lupaing ibibigay ko sa kanila.”
Paghambingin
I-explore Mga Bilang 20:12
2
Mga Bilang 20:8
“Kunin mo ang iyong tungkod at tipunin ninyo ni Aaron ang lahat ng mga mamamayan. At habang nakatingin sila, utusan mo ang bato na maglabas ng tubig, at magpapaagos ito ng tubig. Sa pamamagitan nito, mabibigyan ninyo ng tubig ang mamamayan para makainom sila at ang kanilang mga hayop.”
I-explore Mga Bilang 20:8
3
Mga Bilang 20:11
Pagkatapos, itinaas ni Moises ang kanyang baston, pinalo ng dalawang beses ang bato, at bumulwak ang tubig mula dito, at uminom ang lahat ng mga mamamayan at ang kanilang mga hayop.
I-explore Mga Bilang 20:11
4
Mga Bilang 20:10
Pagkatapos, tinipon nina Aaron ang lahat ng mga mamamayan sa harapan ng bato, at sinabi ni Moises sa kanila, “Makinig kayong mga suwail, dapat ba namin kayong bigyan ng tubig mula sa batong ito?”
I-explore Mga Bilang 20:10
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas