1
Mga Bilang 13:30
Ang Salita ng Diyos
ASD
Pinakalma ni Caleb ang mga tao sa harapan ni Moises, at sinabi niya, “Lalakad tayo at sasakupin natin ang lupain, dahil nasisiguro kong maaagaw natin ito.”
Paghambingin
I-explore Mga Bilang 13:30
2
Mga Bilang 13:33
May nakita pa kaming mga higante, na mga lahi ni Anak. Pakiramdam namiʼy mga tipaklong lang kami kumpara sa kanila, at ganyan din ang kanilang tingin sa amin.”
I-explore Mga Bilang 13:33
3
Mga Bilang 13:31
Ngunit sinabi ng mga tao na sumáma kay Caleb para mag-espiya, “Hindi natin makakaya ang pagsalakay sa kanila dahil mas malakas sila sa atin.”
I-explore Mga Bilang 13:31
4
Mga Bilang 13:32
At ipinalaganap nila sa mga Israelita ang masamang balita tungkol sa lupain na kanilang tiningnan. Ito ang kanilang sinabi, “Hindi maganda ang lupaing nakita namin doon, at hindi lang iyan, malalaki ang mga taong nakita namin doon, sobrang tangkad.
I-explore Mga Bilang 13:32
5
Mga Bilang 13:27
Sinabi nila kay Moises, “Pumunta kami sa lugar na pinapuntahan mo sa amin, at ito ngaʼy lupaing masagana sa gatas at pulot. Sa katunayan, heto ang mga prutas.
I-explore Mga Bilang 13:27
6
Mga Bilang 13:28
Ngunit makapangyarihan ang mga taong nakatira roon, at malalaki ang kanilang mga lungsod at napapalibutan ng mga pader. Nakita pa namin ang mga lahi ni Anak.
I-explore Mga Bilang 13:28
7
Mga Bilang 13:29
Nakatira ang mga Amalekita sa Negeb; ang mga Heteo, Jebuseo at mga Amoreo sa kabundukan; at ang mga Cananeo naman ay nakatira malapit sa dagat at sa Kapatagan ng Jordan.”
I-explore Mga Bilang 13:29
8
Mga Bilang 13:26
kina Moises, Aaron at sa buong mamamayan ng Israel sa Kades, doon sa disyerto ng Paran. Sinabi nila sa buong kapulungan ang kanilang nakita, at ipinakita nila ang kanilang dalang mga prutas.
I-explore Mga Bilang 13:26
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas