Natapos ang pader noong ikadalawampuʼt limang araw ng buwan ng Elul, sa loob ng limampuʼt dalawang araw.
Nang mabalitaan ito ng aming mga kalaban sa kalapit na mga bansa, natakot sila at napahiya. Napag-isip-isip nila na natapos ang gawaing iyon sa pamamagitan ng tulong ng Diyos.